Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)

1.1M 15.6K 2.8K
                                    

DATE POSTED: July 18, 2011



Chapter 11

Ano ba naman tong si Kent lalo akong kinakabahan eh. Naisip ni Phoebe ng papasok na siya ng kwarto nito. Pagkapasok niya, napansin niya na halos lahat ng gamit ay kulay puti.

Wow ang linis, mas malinis pa yata to sa kwarto ko to eh.

"Paki-lock nung pinto" sabi nito bago pumasok walk-in closet nito.

Bakit ko ila-lock? May gagawin kaya siyang masama sa akin? Huhuhuu.

Naisip niya na lang pero nilock niya pa rin ang pintuan. Takot siya kay Kent eh.

Tumingin siya sa paligid ng kwarto nito at nagulat siya na ng makitang maraming picture frames sa isa sa lamesa nito. Marami dun ang picture ng pamilya nito.. May mga solo shots ang mama ni Kent at ang nakapagpakilig sa kanya eh yung picture nila nung kinasal sila. Nasa may bandang sulok ito pero yun ang una niyang narecognize.

Ayy!!! Ako yun oh! Ang cute ko hihihihi. Ang payat ni Kent!





"Maupo ka" sabi ni Kent mula sa may likod niya. Nakapagpalit na ito ng damit. Nailang lalo siya dahil medyo fit yata ang naisuot ni Kent. Nahuli siya nitong nakatingin sa katawan nito.

"AH kasi naman Kent medyo luma na yata yang suot mo ba't di ka bumili ng bago ang dami-dami mong pera ang sikip-sikip na niyan!" natarantang sagot niya na halos magstutter na siya.

"Phoebe, get back to your senses, maupo ka na nga" malamig na sabi lang ni Kent

Naupo si Phoebe sa acrylic na monobloc.

"Hindi diyan dito sa kama" sabi pa ulit nito.

Huh? Anong gagawin ko sa kama niya? Bakit ako uupo dun? Oh noes! Nag-hahyperventilate na ako! Nakalock ang pinto at mauupo ako sa kama?

"Ahh Kent, madumi pa yung damit ko baka madumihan yung kama mo." nabubulol-bulol niya pang sabi

"Phoebe hwag ka nang magdahilan, we'll not do anything... na iniisip mo, maglalaro lang tayo ng XOX"'

"Ano yun? Gossip girl ba yun? Akala ko ba mag-uusap tayo?"

"Bopols na naman? XOX lang hindi pa alam!"

"Sabi mo, mag-uusap tayo? Bakit nilalait mo na naman ako!!" sigaw niya

"Hwag ka nang sumigaw, sige na sige na! Tuturuan na kita, halika na kasi dito sa kama mas maganda maglaro dito kesa diyan sa sahig"

At umupo na nga si Phoebe sa kama katapat ni Kent. Mabilis na naituro ni Kent ang mechanics ng XOX.

"Wew ang dali lang pala nito, pero teka, bakit tayo maglalaro eh diba sabi mo mag-uusap nga tayo?" paulit-ulit si Phoebe sa maguusap na issue. Kinakabahan pa rin kasi siya. XOX lang pala kelangan pa ilock yung pinto?

"Oo nga, ganito yan, kung sino ang matalo, truth or dare ang katapat?"

"ANO?! Eh imposible namang manalo sayo!"

"Anong imposible? Ang dali-dali na nga ng laro natin eh, buti nga hindi chess eh! Ayaw mo nun kapag nanalo ka pwede kang magtanong o may ipagawa sa akin. Kahit ano!"

"Oo alam ko po yung truth or dare. Sige ah kahit ano ha? Walan bawiaan"

"Yup, basta ako din ah, walang evasive na sagot"

"Okay!!"

"Oh sige na simulan na natin Ikaw na mauna para sabihin mo fair!!!" excited pa si Kent

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon