Chapter 47

47.7K 1.6K 108
                                    

//528+k reads//


Chapter 47: Unveiled Lies



Third Person's POV


"Explain. Father."


Pagkabanggit ni Fuschia ng mga salitang iyon. Automatikong natigilan ang lahat. Animo'y tumaas ang tensyon sa paligid maski ang pakiramdam ng dalawang grupo nina Satara at Armour. Dagdag pa dito ang biglang pagsulpot ng mga lalaking naka formal attire sa tabi ni Hades.



"Follow me." Hades motioned. Kaya naman muling kumilos ang mga estudyanteng nakaharang at tumabi sa dadaanan na parang mga nakontrol na manika.



Bukod sa itsura ng mukha ng mga nakakasaksing estudyante ay idagdag na ang napakatahimik na paligid na animo'y yabag lang ng paa ni Fuschia, Hades at nang mga tauhan nito ang maririnig. Hanggang sa mawala sila sa paningin ng lahat ay nanatiling tahimik ang nga estudyante.  Tila balot ng surpresa, takot at tensyon.




"We're here." Saad ng ama sa dalaga at tumigil sila sa tapat ng isang pinto kung saan nakasulat sa may pinto ang mga katagang, Dean's Office.




Louise's POV


Napanuod namin ang nangyari. From her arrival hanggang sa pagpunta nila dito. We already prepared for this. Kaya nang dumating pa lang si Fuschia ay kinuha ko na ang dapat kunin while Fred, he removed what he should remove.



"Ready?" Tanong sa akin ni Fred habang nakahanda na ang kamay niya sa door knob upang buksan ang silid niyang ito.



And before I answered, napalingon pa muli ako sa camera at nakita ko na nasa harapan na nga sila ng pintong ito. I sighed deeply before answering him.



"Ready."




Fuschia's POV


A while ago, I can feel my every footsteps were being numb. Lutang na ako sa pagiisip ng lahat. Lalo ngayon na ramdam ko na naman ang atmospera sa paligid na tila binabalaan ako sa padating na pagsabog ng katotohanan. Nawaksi na lang ang nasa isip ko nang hindi pa man pinipihit ng ama ko ang door knob ay kusang nagbukas ito. 


"Come in." Saad ni Mr. Alfonso or I must say my Dad's best friend which happened to be the Dean too of this school. 



Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng silid ay kakaibang ngiti ang sumilay sa mukha ni Mr. Alfonso. Bagay na ikinagulo at nagpalaro ng katanungan sa isip ko.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon