WA [DR] 52 - Of Course

46.2K 1.7K 344
                                    

Three more chapters left. Can you share your thoughts by commenting? It will be highly appreciated :)

WA 52 –  Of Course

We were silent. Hindi ko kayang magsalita—no one dared to speak up. Ramdam ko ang pagbabago ng ihip ng hangin... Dala siguro ng emosyon na meron siya. Even though he's not saying any word, I can still feel him. He's badly hurt. And so am I. Ginawa kong komplikado lahat dahil sa mga maling naging desisyon ko. I was sure that those moments that we have was just a memory. Hindi ko akalaing hindi pala talaga ako nakakawala sa pagmamahal ko kay Uryll. I thought that, finally, nahulog na ang loob ko kay Briz. Na siya na ang lalakeng mahal ko at hindi si Uryll.

When shit do happens, it'll really turn down the tables.

With just three words that came out from Uryll's mouth... everything became possible. Lahat ng akala ko hindi na mangyayari, kusa nang nangyayari sa akin. He changed every bit of the situation. And as a result, it became unexpected yet chaotic.

Habang naglalakad kami, nakakaagaw kami ng atensyon ng ibang nakaupo sa gilid ng hallway. Some of them witnessed the brawl earlier. Masyadong nakakahiya dahil kakaiba ang mga titig nila sa amin. As if they're talking behind our backs and they're ranting to something very offensive. Sino bang may gusto nang nangyari? Kahit nga ako hindi ko masikmura tignan silang nagkakaganoon.

Uryll and Briz are bestfriends. Stan can't even stop the two of them, but me? I did it in just a snap. In a single snap and everything went down. I'm too troublesome.

"Sa Relm tayo." Bulong niya.

Hindi ko nagawang sumagot sa kanya kaya tumango na lang ako at sinundan siyang nasa unahan ko lang. Masyado siyang mabilis maglakad habang ako hinahabol ang bawat yapak niya.

Para akong may kasamang hindi ko kilala. His expression is very stoic. Steady lang at hindi na kagaya kanina na halos sumabog siya sa sobrang galit. I never expected that Briz is capable of showing that kind of an emotion.

Pagkaupo na pagkaupo namin sa damuhan, napabuntong hininga ako. Hindi ko na kaya 'to.

"Briz..."

"Why?"

Napapikit ako sa tanong niya. A simple 'why' has a big effect on me. Sa dinami-dami ng tanong, why ang napakahirap sagutin. It's either you choose to tell the truth or you rather choose to tell a lie. It's in between. Tao lang ang makakaranas kung gaano kahirap sagutin ang tanong na iyan. It'll always result to something much unexpected. Hindi lang mabuti at masama ang magiging kalalabasan... it'll also be worse.

This is so hard.

I pressed my lips into a thin line. "I'm sorry Briz... I am deeply sorry... for everything." I wasn't sure if that's the correct words to say in this matter. Saying how sorry I am won't even change the fact that I already hurt him. I caused pain in him. Masyadong mababaw ang sorry na 'yon kumpara sa hirap na pinagdaanan niya habang sinusuyo niya ako noon.

Tumitig siya sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko.

Umiling siya, "Bakit Nathalia?"

Pumikit ako ng mariin, "Mahal ko siya." Enough said.

What I feel for Uryll... is so magical. Ewan, sobrang mahal na mahal ko talaga siya. I can move mountains for him.

Ngumiti siya ng mapakla. Alam kong nasasaktan ko siya sa pagiging totoo ko ngayon. Pero wala akong magagawa... eto ang talagang gusto kong malaman niya. Ayoko na, na sa iba niya pa ulit 'to malaman. If this is the only thing that can keep us together—by being honest, bahala na.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon