Chapter 14 - Her Feelings

71K 2.2K 205
                                    


[ R E N N E I ' S P O V ]




Walang tigil ang pagtulo ng pawis ko. Nilalamig na rin ang mga kamay ko at pilit kong pinopostura ang tayo ko kahit na ba niyayanig na ako ng mga tuhod ko. Nasira na nga yata ang dating pagkakakilala sa akin ng maraming tao. Hindi na ako 'yung taong layo sa mga tao at laging tahimik. Paano ko pa ba naman mapapairal iyon kung ganito na ang sitwasyon at katauhan ko sa organisasyong ito.



I can't be cold anymore or else, I will be destroying my relationships with the employees and workers of the family. Hindi ko rin pwedeng pabayaan na lang ang mga anak ng yumao kong kaibigan. Kailangan nila ng mag-aalaga at titingin sa kanila. And speaking of my friend ...



"Ano?! Rennei, explain this instance! Totoo ba ang sinabi ni Sean? May kinalaman ba talaga ang Onyx Council sa pagkamatay ni Alexandria?!" pagtataas na ng boses sa akin ni Spade. At hindi ko naman na ikinagulat ang pagtataas ng boses niya.



May karapatan siyang gawin iyon. Maaaring hindi siya ang nagpalaki sa akin o ang nagpapalamon sa akin pero alam ko sa kalooban ko na deserved ko ang pagtataas ng boses niya sa akin dahil may ginawa akong pagkakamali. Hindi ko na nga maisip kung ano ba ang pumasok sa utak ko noon at hindi ko sinabi. Hindi ko malaman kung nag-iingat lang ba ako o sadyang takot lang ako sa magiging reaksyon nila kaya ko tinago. Pero ngayong naibulgar na at lumabas na sa dila ng iba? Alam kong wala na akong kawala. Wala na kaming kawala.



Huminga ako ng malalim at ipinagdikit ko ang mga palad ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa mga matang matatalim ng isang Vantress. Dinakuan ko rin ng tingin si Sean na parang noon lang ay akala ko ay isang paslit na walang kaalam alam. Paano nga ba niya nalaman ang mga impormasyon na iyon? Bakit ba lahat ng dinadaluyan ng dugo ng mga Vantress ay napakamisteryoso?



At sa huli, tumigil ang tingin ko sa lalaking pinili ng kaibigan ko na samahan. Ang lalaking masasabi kong hindi mo mahuhusgahan pagdating sa pag-ibig niya kay Alex. Ngayon, alam ko na ito na ang tamang panahon para malaman ng lahat. Sa ilang taong nagdaan, ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob? Ngayon ko pa ba iisipin kung handa na ako sa mga insulto at paratang na itatapon nila sa akin? Hindi na. Gusto ko ng maitama ang lahat. Hindi na ako 'yung Rennei na maraming paligoy ligoy noon.



"Yes, what he said is the truth, Spade." lakas loob kong sagot kahit na ba nanginginig na pati ang panga ko habang sinasabi ang katotohanan. Nakita kong tuluyan nang nawala ang balanse niya at napasalampak na lamang si Spade sa swivel chair niya.



Bahagyang nakabukas ang bibig, mga matang hindi mapakali kung saan titingin, mga kamay na mahigpit na nakahawak sa arm rest, iyan ang kalagayan ngayon ng leader ng Mafia Vantress. Napapikit na lang ako ng mariin. Handa na akong makarinig ng mga masasakit na salita. Patawad. Patawad. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari.



"Pa ... papaanong n-nangyari 'yon?" uutal utal ang nanghihinang tanong ni Spade. Napadilat ako. Napansin kong lumapit ng kakaunti si Sean at nakapang-ekis ang dalawang niyang kamay. "I want to know the whole story on your side. I'm not a God to know everything." he calmly said.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon