CHAPTER 21

109K 3K 539
                                    

Simula ngayon wala ng Lance! Huwag na umasa. Gabe at Miru na kaseee. Tanggapin niyo naaaaa. hahaha


CHAPTER 21

Nagulat ako dahil biglang nagtanggal ng T-shirt si Gabe nang walang sabi-sabi. Ipinatong pa nga nito ang T-shirt niya sa table bago lumapit sa TV kung saan may nakalagay na ilang dvd. "Gusto mong manood? O matutulog ka na ba?" Hindi siya humarap sa akin nang tanungin niya iyon dahilan kung bakit matagal ko pang napagmasdan ang likod nito.

Toned ang muscles niya na hindi ko napansin noong binihisan ko siya ng damit. May ilang sugat din siya doon na mukhang nakuha niya noong nabagsakan siya sa site nila. Pero maliban doon ay makinis ang balat niya sa likod. Ang sensual din ng dating ng pawis na tumatagaktak ngayon sa likuran niya...

Wait, anong naisip ko? Miru! Stop it!

"Panay romance ang dvd ng kapatid ko dito. Okay lang ba sa'yo? Wala akong horror baka kasi mas gusto mo ang horror---"

"I don't like horror."

"Good. I can't stand watching horror movies. Pero sure kang gusto mong manood? Wala kang klase bukas?"

"Klase?"

"Oo?" Confused nitong tanong sa akin. "Wala kang aaralin? Hindi ka ba napagod sa byahe kanina?" Byahe? Nagbyahe din siya! Sht Miru! Bakit ka ba tumatambay pa rito? Dapat hinahayaan mo na siyang magpahinga! Saka may gagawin pa siya! Miru! Isa ka talagang malaking sagabal.

"Ano, sige next time na lang. Magpahinga ka na. Good night." Tuloy-tuloy kong sabi bago ako lumabas sa unit nito.

"Aish Miru! Isip-isip din! Napagod din siya. Bakit kasi tumambay ka pa, e."

"Bakit mo kinakausap 'yang sarili mo?" Nabigla ako nang kausapin ako nang kadarating lang na kapitbahay. Ang fishy niya talaga tignan dahil naka-cap na naman ito. Matangkad din siya.

Matagal ko siyang tinitigan dahil ngayon ko lang naman nakausap ang kapitbahay naming ito. Hindi ko naman kasi masyadong maaninag ang mukha nito dahil na rin nakapatay na ang ilaw sa pasilyo. Tanging ang buwan na lang ang maliwanag ngayon.

"Good night." Sabi pa nito sa akin bago tuluyang pumasok. Weird.

***

Nagkayayaan kaming pumunta ng bar ng mga kaklase ko. Wala kasi kaming pasok bukas dahil may event sa school. May pasok sa OJT pero kaya naman siguro pumasok. Hindi na lang ako iinom ng marami.

Hindi ako iinom ng marami dahil nagpromise ako kay daddy na walang bar.

Walang maninigarilyo.

"Miru, gusto mo?" Alok ni Betina, isa sa mga kaklase namin.

"Pass." Tama na yung dalawa ang nilabag ko kay daddy. Okay na ako doon. Hindi kasi dapat ako sasama kanina kaya lang ang party pooper ko na raw lately. Hindi raw bagay sa akin.

"Kapag talaga nagpupunta ka sa mga bar, mas babae ang tingin ko sayo dahil sa mga suot mo." Sabi ng isa sa mga kaklase kong lalaki. Gees. Babae naman talaga ako, sila lang naman nag-iisip na hindi ako babae.

"Lumayas ka nga dyan." Utos ni Jonathan sa kaklase namin nang lumapit ito. Agad naman siyang sinunod ng kaklase naming iyon. "Huwag kang naglalalapit sa mga iyon. Baliw ka na ba?" Hinila niya ako palayo sa kanila at pumunta kung saan sila nakaupo nina Erol.

"Alam mo namang naghihintay lang ang mga yon na mawala kami sa tabi mo." Sabi pa ni Kevin sa akin. "Oh, uminom ka na lang. Huwag ka na makipagsayaw sa kanila. At least dito, safe ka."

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon