Kabanata 49

675K 14.2K 5.1K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 49 

This was the most depressing Christmas ever.

Akala ko okay na, e. Tanggap ko na wala akong makakasama ngayong Pasko... pero bakit kailangan pang mangyari 'to? It was like the universe wanted me to hope—only to crush my spirits afterwards.

Ilang oras na ang nakakalipas simula nung tumakbo ako sa hallway para habulin si Shiloah. I was so sure it was him! Siguro nakonsensya siya dahil hindi siya nagpapakita sa akin... This was his way of compensating for being gone for so long.

Kanina pa ako nakatingin sa laman nung box. Inside it was a necklace and engraved on it was the phrase my love. Gusto ko siyang isuot pero ayoko rin. If this was Shiloah declaring his love for me, mas gusto ko na siya ang magsuot nito sa akin. And so I'd been debating on calling him— for the nth time.

I was itching to dial his number and to ask him what was his deal. Bakit kailangan niyang pumunta dito para dalhin sa akin ang regalo ko? Bakit kailangan niya akong takbuhan? At paano niya nalaman na nandito ako?

I had all these questions running inside my head. Parang sasabog ang isip ko para malaman ang mga sagot dito. Gusto kong malaman.

"Isang beses lang," I told myself as I began to search for Shiloah's number in my phone. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ulit siya tatawagan. I had this habit of running from people who chase after me and chase after the people who run from me... and I wanted to break this. But I was willing to make an exception this time.

Please, sumagot ka...

'The number you are calling is currently unavailable. Please try again later.'

Ilang beses ko na bang narinig 'yan sa tuwing tinatawagan ko siya? Hindi ko alam kung ano ang mas tamang maramdaman, e. Kung matutuwa ba ako dahil hindi niya ako pinapatayan ng tawag... o kung malulungkot ako dahil kung gaano karaming beses ko siyang tinatawagan, ganoong karaming beses niya rin akong hindi sinasagot.

Tinago ko iyong cellphone ko at ipinikit ang mata ko. This Christmas sucks.

Nung imulat ko ang mata ko, nakita ko na umaga na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako kagabi sa kakaisip kung nasaan si Shiloah. Inisip ko rin iyong huling pag-uusap namin—kung may nasabi ba ako na naging dahilan para isipin niya na umalis at huwag magparamdam sa akin. But I couldn't think of any. Ang alam ko lang, si Tobi ang madalas na dahilan kung bakit nag-iba si Shiloah.

He was jealous, alright, but he was taking it to another level.

I stood up from the bed. I've been sleeping alot these past few days. Parang nawawalan ng silbi ang mga araw ko dahil palagi na lang akong nagmumukmok. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I should really start thinking about something else. Hindi maganda na ganito na lang ako palagi.

Kung ayaw magpakita ni Shiloah... bahala siya.

With this thought in mind, I decided to take a shower. Mabilis akong naligo at pumunta sa labas. Ngayon ko na lang icecelebrate ang Pasko. Napagtanto ko na hindi ko naman kailangan ng ibang tao para maging masaya. I could be happy on my own. Masaya naman ako dati kahit nung wala pa sa buhay ko si Parker. I was doing fine. I was sure I could do it again this time.

Kinuha ko iyong wallet ko at cellphone. Nagsuot na rin ako ng pullover dahil malamig. Ramdam ko pa rin ang Pasko kahit tapos na ang December 25.

Papalabas na ako ng unit nung aksidenteng may mabangga ako ng pintuan.

"Sorry po," I apologized to the cleaning lady. Galing pala siya sa kabilang unit. "Pasensya na po," ulit ko dahil nalaglag iyong walis galing sa lalagyan niya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon