CHAPTER TWENTY TWO

61.5K 870 106
                                    

Nagulat si Summer sa sinabi niya, kahit si Clyde, nagulat din sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

"T-talaga?" tanong ni Clyde. Pinanindigan nalang ni Clyde yung sinabi niya, wala eh, nandito na. Wala nang bawian.

"Hmpf!" tinapakan ni Summer ang kanang paa ni Clyde at naglakad papalayo. Hala, nag-iinarte nanaman ang probinsyana!

"HOY! ANO BA!" sigaw ni Clyde. Huminto naman si Summer sa paglalakad pero hindi pa rin ito nakatingin sa kanya.

"Kahit probinsyana man ako, hindi ako ganun kabilis bumigay. Sa pagkaka-alam ko kase, kailangan munang manligaw ng lalake bago sagutin ng babae! Hindi yung magtatanong nalang ng walang ka-effort-effort!"

"Ligaw ligaw na pinagsasabi nun, tch." sabi ni Clyde habang naglalaro ng dart.

"But that's how it goes Clyde. You have to court her first." paliwanag ni Kier. Oo, kasama niya ulit ngayon si Kier, sana naman ay magbigay na siya ng matinong advice ngayon no?

"Tss, bakit pa? Eh may gusto na rin naman yun sa'kin." Napa-facepalm naman si Kier sa mga sinabi ni Clyde.

"Clyde, ganito yan." hinawakan siya ni Kier sa magkabilang braso. "Oo, siguro nga may gusto rin sayo si Summer. Oo, gusto mo rin naman siya. Pero syempre, kahit pa ipaglantaran mo yung tunay mong nararamdaman sa kanya kung hindi niya naman nakikitang nag-eeffort ka, hindi siya maniniwala. At kapag hindi niya nakitang pinapahalagahan mo siya, kahit gaano ka pa niyan kamahal, lalayo yan sayo at maghahanap ng lalaking pahahalagahan siya."

Napa-isip naman dun si Clyde. "Oo nga noh. Siguro nga tama ka. Akalain mo 'yun, may silbi ka rin pala!"

Hindi naman siya pinansin ni Kier at tumawa nalang. "Alam mo minsan, nagtataka ako kung paano naging kayo ni Lian dati eh."

Eh kasi nga naman Kier, bata pa nga sila nung mga time na 'yun. Wala pa silang alam tungkol sa panliligaw. Ano ba naman 'yan.

"Eh paano naman ako manliligaw sa kanya? Eh wala naman din akong alam na sweet na bagay?"

Ngumiti ng nakakaloko si Kier. May binabalak nanaman 'tong masama. "Wala ka ngang alam....pero ako, marami akong alam."

"So?"

"Bobo, edi tutulungan kita."

Kinabukasan, excited na pumasok sa school si Clyde. Syempre naman! Nagdadalaga na rin ang mokong! Matututo na siyang manligaw!

"Summer!" tawag niya.

"Ay kamoteng lumilipad!" biglang sabi ni Summer. "Ano ba? Kailangan manggulat?"

Hindi na sumagot si Clyde sa kanya, at inabot nalang dito ang isang box na hawak niya. "Para sa'yo oh!"

"Ano to?" Tignan mo, Summer. Malamang.

"Halika," Umupo sila sa bleachers, 'yun lang kasi ang pinakamalapit na upuan sa kanila ngayon. Nang maka-upo na sila, binuksan na ni Summer ang box. "Tadaaaa!"

"Ano to? Cake?"

"Yup! Pinaghirapan ko 'tong gawin! Tikman mo na dali!" Dufuq? Nahihirapan na ngang magprito ng itlog si Clyde tapos nakapag-bake pa siya? Aba! Dapat mo 'yang ma-appreciate, Summer!

Nilabas ni Clyde yung plastic fork na dala niya at inabot ito kay Summer. Agad naman siyang tumikim dun sa cake, kaya naman sobrang naaatat na si Mokong sa mga sasabihin niya!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon