Chapter 16.

19.7K 496 105
                                    

SPG.

CHAPTER 16.

Napatulala ako kay Charlene ng matagal. Nakatitig din siya sa akin at nagaabang na magsalita ako.

"N-nadelay 'yong mens 'ko..."  Panimula 'ko. "Teka nga, ilang taon ka na ba?"

"Uyyy!positive!" She giggled. "18!" Cheerful niyang sabi.

"Isang taon lang naman pala ang tanda mo sa'kin. Kung makapagsalita ka d'yan akala mo ang dami mo ng experience." I said.

"Wala akong experience." Umiling-iling siya sa akin. "Sabi ng Ate Charm ko baka hanap-hanapin ko daw kapag nakaranas ako. Siguro dahil ganyan din siya ng nung 17 palang siya kaya maagang nabuntis."

Medyo natamaan ako 'don, ah.

Hindi na namin natuloy ang usapan namin dahil dumating sina Prince at Anton. Malaki ang ngiti ni Anton habang nagalalakad kami papunta sa mga relatives niya.

"Bakit ka nakangiti?" I asked.

"Ganda ng katabi 'ko, eh." Sinulyapan niya ako at ngumiti ng mas malapad.

I felt those butterflies in my tummy that I never felt before. What was that?

"Kuya Prime!" Tinawag ni Anton ang lalaking naka all black na suit.

"Hey, Anton." Nag bro hug sila at sumulyap sa akin ang lalaki. Oh my god. Ang gwapo! Hindi nagkakalayo ang mukh nila ni Anton.

"Nasaan po si Ate Charm?"

Tumalikod saglit ang lalaki at inalalayan ang mala-anghel na babaeng naka puting dress katulad 'ko, "Babe, this is Hades's brother, Anton."

"Uy! Hello! You're also handsome like your kuya!" Bati ni Ate Charm and cupped Anton's cheeks.

Masama ang titig ni Kuya Prime kay Ate Charm. Nag peace sign si Ate Charm at nagpout, "Shungaks. Mas gwapo ka kay Hades!" At naglambingan sila sa harapan namin. Uhmm. Andito po kami?

"By the way..." Tinignan ako ni Kuya Prime.

"Ah, girlfriend 'ko po. Si Olivia. Via, si Ate Charm at Kuya Prime." Anang Anton.

"Nice to meet you po."

"It's nice to meet you also, Olivia!" Magalang na hinead to toe ako ni Ate Charm. "Sana kasing ganda mo ang mga anak namin."

"Bakit? Kambal po ba?" I asked.

She pouted. Takte ang cute! Matotomboy na ata ako! "Hindi, wish 'ko lang quadruplets.. Diba babylove? Magsisimba tayo sa baclaran at quiapo at ipagdadasal na sana'y maging quadruplets?" Paglalambing niya kay Kuya Prime.

"We can make more and more babies after you give birth..." Kumindat pa si Kuya Prime sa asawa niya.

Lumayo na kami ni Anton doon dahil mukhang hindi na nila napapansin na andun kami. Takte, sobrang relationship goals!

Napakilala niya na ako sa buong angkan ng mga Blackwell at Yuchengco bilang girlfriend niya. Kakaiba sa feeling na makilala ka ng buong angkan bilang nobya.

Nang mag gabi ay nagkantahan at may kaunting inuman. Hinanap ko sina Charlene at yung boyfriend niya pero mukhang may iba ng ginagawa kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na hanapin sila.

"Anton! Want some?" Nag offer ng wine si Kuya Prime kay Anton.

"I don't drink." Anton.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon