Chapter 13: Air vs. Water

251K 8K 1.6K
                                    

XYRA

Dalawang buwan ang lumipas, muli kaming magkikita-kita. Inalis ko ang kaba sa dibdib. Humaba na ang buhok ko hanggang baywang. Ang laki ng ipinagbago ko sa loob ng dalawang buwan. Lumabas ako sa dorm dala ang mga gamit na sapat para sa loob ng tatlong araw. Sa secret battlefield, malayo sa Wonderland kami magtutungo.

Patungo ako sa entrance ng Wonderland. Napansin kong may nauna na sa 'kin. Nakatalikod ang matangkad na lalaki kaya hindi ko siya makilala. Nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan. Lumingon siya sa 'kin kaya napahinto ako sa paglalakad. Muntik ko nang hindi makilala si Clauss. Pakiramdam ko maraming nagbago sa kanya. Mas lalong lumakas ang dating niya. Gusto kong mailang habang nakatitig siya sa 'kin. Masyado bang matagal ang dalawang buwan upang hindi na ako masanay sa presensiya niya?

Nahihiya akong ngumiti kay Clauss. Kakaiba ang epekto niya sa 'kin ngayon. Naninibago ako. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti sa 'kin. Muntik na akong mapanganga. Hindi ko inaasahang ngingiti siya. Hindi ko alam kung ilang droga ang tinira ko upang mag-hallucinate ng ganito. Pinigilan ko ang panlalambot ng mga tuhod nang humakbang ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagngiti niya.

"H-Hi," I stammered and it sucks. Lumipad sa harapan ko si Baby Clauss na ngayon ko lang napansin. Napaurong ako dahil muntik na akong maabot ng apoy na ibinuga niya. Medyo malaki na si Baby Clauss. Natuwa si Baby Clauss sa reaksiyon ko at dumapo sa ulo ko. Namiss ko si Baby Clauss pero ang bigat niya.

"Kamusta?" tanong ni Clauss.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili na pagmasdan siya. His deep black eyes looking intently at me, his sharp nose and tight, red lips were the same. Hindi ko tuloy matukoy ang dahilan kung bakit mas naging gwapo at arogante siyang tingnan ngayon. Mas naging matipuno ang pangangatawan niya, at tumangkad siya. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Clauss. Namula ako dahil ilang minuto kong tinititigan si Clauss.

May narinig akong pagtawag mula sa likuran ko. Nilingon ko agad si Akira para makaiwas sa tingin ni Clauss. Kumaway ako sa kanya. Marami rin siyang ipinagbago. He's more handsome than before. Dumating na rin sina Selene at Bryan. Selene is more beautiful and tougher now. Mas naging sopistikada ang tindig niya ngayon.

Nagtungo kami sa battlefield na sinasabi ni Bryan. Isang buong isla ang battlefield na tinutukoy niya. May magubat at patag na bahagi ang isla.

"Here's the rule, bawal makialam sa laban ng bawat isa. Ako ang magdedesisyon kung tapos na ang laban. Pwede rin kayong magtaas ng white flag na ibinigay ko sa inyo kung sumusuko na kayo. Walang matitirang manonood kundi ako. Hahayaan ko kayong gamitin ang buong isla sa paglalaban niyo," wika ni Bryan.

Tumango kami. Si Selene ang makakalaban ko ngayon.

"You can hunt your opponent down now," walang babalang wika ni Bryan na ikinagulat naming lahat. Awtomatikong napalayo kami sa isa't-isa. Tumalon si Clauss sa sanga ng isang puno. Sinenyasan ni Clauss si Akira na sumunod sa kanya. Naunang umalis si Clauss. Walang nagawa si Akira kundi ang sumunod kahit naaasar siya. Naiwan si Baby Clauss kay Bryan.

Napatingin ako kay Selene. She grinned. Napailing ako. Hindi pa rin siya nagbabago pero tiyak na mas lumakas siya ngayon. "Hey, weakling, mukhang madali akong makapagpapahinga, ah," nang-aasar niyang wika.

Natawa ako sa sinabi niya. "You bet. Madali kang magpapahinga dahil naaawa na ako sa 'yo. Madali kong tatapusin ang paghihirap mo," nakangising sagot ko.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon