CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1

3.2M 61.6K 168K
                                    


CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
Who's back with a vengeance?


MAX'S POV

PUMASOK ako sa pribadong kwarto. Nang maisara ko ang pinto ay napasandal ako ro'n at dahan-dahang napaupo. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa takot kong may makarinig sa pag-iyak ko.

Hindi ako makapaniwalang may nalalaman si Sensui. Sa nalaman kong 'yon ay parang pinupunit nang unti-unti ang puso ko. Nasasaktan ako para kay Chairman, para sa lolo ko. Gusto kong sumigaw at murahin siya pero masyadong lamang ang sakit sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay nasayang ang buhay ni Chairman Moon dahil sa pagiging iresponsable namin.

Hindi siya karapat-dapat mamatay sa gano'ng paraan. Hindi. Kahit na sino ay hindi.

"Pein?" nadinig ko ang tinig ni Maxwell kasunod nang pagkatok.

Paulit-ulit akong lumunok saka nagpigil ng hikbi. "Bappeuda," pagsisinungaling ko na abala.

"Busy with what?"

"I'm just...busy. Do you need something?"

"No, nothing."

"I'll talk to you later, Maxwell."

"I will wait for you here."

"Ani," umubo ako kunyari. "Lalabas na lang uli ako mamaya."

"Are you sure?"

"Yes."

"You're okay, Maxpein, right?"

"Of course, I am."

"Okay, then."

Nadinig ko siyang bumuntong-hininga bago ko tuluyang narinig ang papalayo niyang yabag.

Doon ko na naman hindi napigilan ang sarili kong maluha. Tuloy-tuloy. Napayuko ako sa dalawa kong tuhod. Ang kamao ko ay basta na lang kumuyom sa aking dibdib dahil sa sobrang galit. Galit na galit ako kay Deib.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak nang umiyak. Nang makontento ako ay doon ko nagawang makapag-isip nang payapa. Pero kahit anong kabutihan ang ipagpilitan ko sa aking sarili ngayon ay wala akong naiisip kundi kasamaan. Nangangati ang palad kong maghiganti.

Mahigit dalawang oras din akong nanatili sa kwarto. Naligo ako at nagbihis bago tuluyang lumabas. Agad nila akong sinalubong nang may pag-aalala sa mga mata. Mabilis na lumapit sa 'kin si Maze, mugtong-mugto na naman ang mga mata niya, at saka niya ako yinakap. Napabuntong-hininga ako saka tinanaw muli ang Chairman. Walang nagbabago sa sakit na nararamdaman ko. Para pa ngang nadaragdagan.

Napatitig ako sa portrait ng Chairman. Paulit-ulit kong ibinabaon sa isip ko ang maganda niyang ngiti. Ayaw ko 'yong makalimutan.

Sa isip ko ay gusto kong alamin ang lahat ng paraan para maibalik siya sa 'min. Ang puso ko naman ay labis na naghihinagpis sa pagkawala niya. Walang puwang ang pagtanggap sa buong sistema ko, hindi ko matanggap na talagang wala ang aking lolo.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na kaming naupo. Muling tumitig sa Chairman at nagsipag-isip. Kahit anong gawin ko ay paulit-ulit na nanunumbalik sa isip ko ang mga huling sandali na magkasama kami. Ang mga sinabi niya ay nangingibabaw sa pandinig ko na para bang nariyan siya sa tabi ko at sinasabi ang mga 'yon. Ang maganda niyang ngiti ay nagliliwanag sa paningin ko habang nakatitig sa kaniyang litrato.

Mayamaya pa ay niligalig ako ng sarkastikong tinig ni Eerah. Ang mga sinabi niya ay parang isinisigaw nang paulit-ulit sa pandinig ko. Niririndi ako na lalong binubuhay ang galit sa dibdib ko.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon