SYOL 2

1.4K 32 5
                                    

 [Amethyst sa side habang nasa airport sya nung makita nya sila Eriol]

SYOL 2

Eriol's POV

Napahugot ako ng malalim na paghinga habang inaantay pa namin yung mga baggahe namin.

It's been 7 years, simula ng tumapak ako sa pilipinas kaya bahagya akong naninibago sa temperatura.

kung sa US ay napakalamig dito sa Pinas ay kabaligtaran, napakainit.

"Sino raw ang magsusundo sa atin?" tanong sa akin ni Erick.

nagkibit balikat ako "Ako pa tinanong mo"

"Ang sabi ni Pat, kapatid ni Harry ang susundo sa atin may hawak daw itong placard na pangalan ko ang nakasulat"

pagkakuha namin ng bagahe ay agad naman namin hinanap yung sinasabi nya.

nauuna pa si Erick, na mukhang sobrang excited.

"There's our ride. And it's beautiful" sabi ni Erick at dali dali naglakad doon sa may babaeng mukhang may sapak, kung makawagayway ng placard kala nya may rally sa airport.

----

Amethyst's POV

Nagpaikot ikot kami ng tingin ni Cielo sa loob ng Airport.

may hawak siyang Placard na may nakasulat na 'Patrick Gonzales' itinaas pa nya yun at winagay-way, nakakahiya man pero mukhang nag eenjoy yung mga nakakakita sa kanya..wala talaga itong hiya sa sarili eh. .

napailing na lang ako. .nawala din ako ng gana dahil kinakabahan pa din ako ako hanggang ngayon, ano bang nangyayari sa akin?

naupo na lang ako sa may bakal na kung ano man ito basta nakakaupo ako, bahala si Cielo jan.

maya maya. ..

"Hi I'm Patrick" narinig kong pakilala nung isang lalaki.

mukhang andito na sila.

pagkatayo ko at pagkaharap ko, halos nabilaukan ako nung makita ko yung Patrick para syang si Ate Pat na maikli ang buhok.. pero may mas umagaw ng atensyon ko isang lalaking nakablack at nakashade sa likuran nya.. nang humarap ito halos malaglag ang puso ko at gusto ko nang lumipad. napatakip pa ako ng bibig dahil muntik na akong mapasigaw sa gulat.

tama bang nakikita ko oh, gutom lang to. .pero kumain ako kanina.

Seven long years had passed since the last time I saw him but he was still the same as before.

The same Eriol, i've loved seven years ago and i think i'm still inlove to him until now.

halatang nagulat din ito pero agad din nakabawi, ang kaninang gulat na gulat na tingin ay napalitan ng isang malamig na tingin.

"Hi, Cielo Mae Herrera youngest sister ni Kuya Harry" nakipagshake hand naman si Cielo.

"by the way my bestfriend, Amethyst sya yung kasama ko sa pagsundo sa inyo"

"Hi I'm Patrick and these are my friends, Ejosh and Erick"

all smiled sa akin sina Patrick at Erick habang siya ay tango lang ang ibinigay sa akin.

Hindi pa din ako makapali habang nasa byahe kami, halos hindi pa din magsink-in sa isip ko na isa sa mga kaibigan ng kapatid ni Ate Pat ay si Eriol.

magkatabi kami ni Cielo sa harap dahil siya ang driver, at ako ang nasa passenger seat.

pero di ko matiis na hindi mapatingin sa review mirror dahil kay Eriol na tahimik lang na nagmamasid.

halos di ako makaimik sa pag-uusap nila.

Seven years of LOVEWhere stories live. Discover now