Chapter 24.

17.5K 504 52
                                    

CHAPTER 24.

Lutang akong bumalik sa training. Why would Carlo do that? Anong trip niya?

Is that considered as cheating? Hindi naman siguro kasi that kiss is a friendly kiss and sa cheeks lang naman.

"Okay! Dismiss!" Tatalikod na sana ako nang tawagin ako ni Coleen. "What?"

"Just wanna tell you na may practice kami bukas sa bahay. Anton should be there." Nakangiting sabi niya. Her smile is as fake as her eyebrows.

Nagtaas ako ng kilay. "Ang aga naman? At anong ipaparactice niyo?"

"Talent portion and some random question and answer. Duh?" Nagtaas siya ng kilay.

"Next next week pa 'yong contest. Why so rush? And pwede naman kayong magpractice dito mismo sa campus. Bakit kailangan sa bahay niyo?" Pagtataray ko din. Nakikipagkumpitensya sa akin ang babaeng 'to, that's for sure.

"First, ayaw ko mag cram. Second, bawal ako malate ng uwi. Third, sa bahay para walang istorbo. What's your problem? Bakit parang ayaw mo? Scared?" Ngumiti siya ng pang-bitchesa.

Nanliit ang mata 'ko sakanya, "Scared of what?"

"Scared that we might do something that can break your heart."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. I hate to admit that she's a one big threat in our relationship. May motibo eh. Kakabahan talaga ako.

"Don't you dare, Coleen." Mariin na sabi 'ko at step forwards. "Don't you dare. Hindi mo magugustuhan ang gagawin 'ko."

She shrugged, "Let's see, Olivia."

"Via!" Sabay kaming napatingin kay Anton. He smiled at Coleen at bumaling sa akin. "Tara?"

Tinignan ko ng masama si Coleen at umalis na.

"Bye, 'Ton! Take care!" Rinig 'ko sigaw ni Coleen.

"Bye bye!" Sigaw naman pabalik ng Anton na ito.

Naligo ako saglit at nag-ayos. Puro babae dito kaya sa bench sa field naghihintay si Anton. Kapag malapit siya dito, makakakita talaga siya ng babaeng hubo't hubad.

"Girl.. Nagiba itsura mo." Sabi ni Nathalie sakin habang nagsusuklay ako.

"Bakit?"

"Ewan.. Basta, may iba sayo. Nag blush on ka ba?"

Sumimangot ako, "Naka-panty at bra pa lang ako maiisipan ko bang mag blush on muna?"

"Ang taray mo!" She pouted. "Buntis ka ulit?" Bulong niya.

"Gaga! Hindi!"

Napansin din ng iba kong teammates na blooming daw ako. Huh? Nagka boyfriend lang ako blooming agad? Hmp.

Sunod sunod na nagvibrate ang phone 'ko. It's Anton.

"'By! Tagal mo!" Bungad niya.

"Teka lang ha.. Teka. Baka gusto mong mauna na?" Napairap ako at binabaan siya.

Nagbihis ako ng sweater at shorts. Agad kong pinuntahan si Anton na nasa may bench sa field.

"Shall we eat dinner?" Tanong niya. Kinuha niya ang sports bag ko at siya ang nagbibit nito.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon