Chapter 42

71.7K 1.2K 345
                                    

Dedicated to @ IamRhine

Halos ilang sandali pa ang lumipas bago ko nagawang bumitaw sa mahigpit na pagkayakap sa mga anak ko. Hilam ang mga mata ng luha na tinitigan ko silang pareho, walang sawang pinagmamasdan uli.

"Are you going to stay with us Daddy?" Alessander asked me, wiping his eyes using his fist.

Tumango ako, nakangiti na pareho kong pinapahiran ang pisngi ng mga anak ko. "Yes son. Magkakasama na tayo, makakasama ko na kayo ni Mommy."

"Pinky promise Daddy, you are not going back to heaven?" dagdag ni Alessandra, her lips trembling na parang iiyak uli ito pag hindi nagustuhan ang isasagot ko.

"Mommy said you live in heaven and you are happy there kaya hindi ka namin kasama, and that you are our guardian angel." sabat pa ng anak kong lalaki.

Confused, I looked at Attorney Galvez, nasa mukha nito ang paghihingi ng pang unawa ng magtama ang mga mata namin.

"I-I'm sorry Alex, sana maintindihan mo kung bakit nagawa iyun ni Cassandra. Hindi madali para sa anak ko ang mga pinagdaanan niya ng mga panahong iyun." nakokonsensiya na paliwanag niya sa akin.

It dawned on me when I saw the guilt in his eyes what my twins meant. Why they thought I lived in heaven.

Cass' last words to me echoed in my mind.

She's never going to know you! Patay na ang ama ng bata na nasa sinapupunan ko!.

I clenched my eyes shut.

She said those words with venom, with hatred that I have no doubt she's going to do it.

I felt the familiar pain, the hopelessness every time I remember her parting words. How Cass hated me during that time that she cannot even bear to see my face..or be near my presence.

"Daddy, please don't go back to heaven. I will not tease Kuya James anymore just promise you'll stay with us."

I opened my eyes when I heard my daughter pleading voice. I gazed at Alessandra..at Alessander.

I smiled despite the throbbing pain in my throat.

Kahit gaano ang galit at poot ang namamayani sa dibdib ni Cass para sa akin, na halos isumpa na niya ako ng mga panahon iyun. Pero hindi pa rin niya ako natiis, pinagamit pa rin niya ang mga pangalan na binigay ko sa mga anak namin, kahit sumumpa ito nuon na hinding-hindi ito mangyayari.

"No, princess." pumiyok ang boses ko. "I'm not going back to heaven, mas masaya ako pag kasama ko kayong dalawa, mas mababantayan ko kayo at si Mommy pag kasama niyo ako."

"Yeheyy!! thank you Daddy." my twins chorused at sabay pang masayang yumakap uli sa akin.

"I'll be a good boy Daddy."

"Me too Daddy, promise."

"Pinky promise?" I asked them, borrowing my daughter's words na napangiti ako sa sarili ko.

They nodded together.

A warm feeling touched my heart every time my twins call me Daddy, I happily scooped them up in each in my arms and stood up. "We have to go."

"Where to Daddy?"

"Where Daddy?"

I smiled to them. "Susunduin pa natin si Mommy."

My twins squealed gleefully when they heard that we are going to see Cass, their Mommy.

I sighed with happiness habang pinapanuod na pinagkakaguluhan ng mga magulang ko at ni Olivia ang kambal.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon