CHAPTER TWENTY THREE

60.9K 878 58
                                    

"Kapag hindi ako nag-eeffort sayo, nagtatampo ka. Kapag nag-effort naman na ako, naiirita ka naman. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!"

"Teka teka," pag-awat ni Summer. "So ginawa mo 'to dahil lang sa sinabi kong yun? Kaya ako naiirita nung mga nakaraang araw dahil lang dun? Pinahirapan mo hindi lang ang sarili mo at pati ako dahil lang sa mga sinabi kong yun?"

Aba eh hindi naman alam ni Summer na seseryosohin pala 'yun ng mokong! Binatukan siya ni Summer, laki naman silang nagbabatukan eh.

"Aray! Ano nanamang ginawa ko?"

"Hindi mo na kailangan mag-effort."

"Ano ba talaga ha?! Ginugulo mo ba talaga ako?"

Binatukan niya ulit. "ARAY!"

"Tsk, hindi mo na kailangan pang pahirapan yung sarili mo para sa'kin."

"Bakit naman?" Seryoso, pati ako nagugulahan na sa mga pinagsasabi ni Summer.

Huminga siya ng malalim. "Ano ka ba naman, nung makita ko lahat ng ginawa mo, yung mga cakes, yung chocolates, pati flowers, sapat na yun. Sapat na yun sakin para patunayan mo saking mahal mo nga ako."

"Tss." Bulong ni Clyde.

"Tsaka, sa totoo lang, kahit naman hindi ka na manligaw, alam ko naman na talagang mahal mo na ko eh." Nagulat si Clyde sa sinabi ni Summer.

"A-Ano? Pero, paano? Bakit?"

Binatukan niya ulit. "Di ba nga, sinabi ko sayo dati, nalalaman ko kung anong nararamdaman mo kahit tinitignan lang kita sa mata? Kaya nga dati ko pa alam na may gusto ka sakin eh." Mas lalo namang nagulat si Clyde.

"Eh bat di mo sinabi kaagad?!"

"Eh ano ngayon?!"

"KUNG SINABI MO KAAGAD EDI SANA HINDI NA AKO NAHIRAPAN PANG UMAMIN SAYO! EDI SANA KUNG SINABI MO KAAGAD NA MAY GUSTO KA SAKIN, EDI SANA TAYO NA!"

"SO GALIT KA SAKIN NIYAN NGAYON?" nagpapaka-OA nanaman ng mokong.

"Kasi nakaka-inis eh! Ang hirap kayang maghintay! Lalo na kapag yung hinihintay mo ay may ibang gusto!"

"Eh bakit masama ba mantrip?"

"At sinong nagsabi sa'yong mang-trip ka, ha? Probinsyana ka lang, ang dami mo nang alam!"

"Yung bestfriend mo," sagot nito. "Siya nagturo sakin. Sabi niya minsan daw i-try kong mantrip sa iba. Eh ikaw 'yung gusto 'kong iba na yun eh. Hahaha!"

"Langya talaga 'yang Kier na 'yan. Naghihintay lang pala ako sa wala."

"HINDI MO NA NGA KAILANGAN NA MAGHINTAY KASI NGA TAYO NA DIBA!" Isa nalang talaga mapipikon na si Summer.

Biglang napaisip si Clyde sa mga sinabi ni Summer. "T-teka? Anong tayo na?"

"Ayaw mo?" tanong niya. "Eh kung ayaw mo, edi sige wag na."

"JOKE LANG!"

"Yun naman pala eh." sabi ni Summer.

Nagkaroon muna ng konting katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ewan ko lang. Ayoko magsalita ni Summer, ayaw rin magsalita ni Clyde. So, anong patutunguhan ng relasyon nila niyan ngayon? Mas okay pa nga siguro nung magkaibigan palang sila eh. Wait, hindi ko nga alam kung naging magkaibigan ba sila eh.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon