Chapter 64: Worth it

362K 12.5K 3.5K
                                    


Warren's Point of View


Parang may fiesta sa Kingdom High sa sobrang saya ng mga tao. Hindi ko alam kung masaya ba sila dahil na-cancel ang ibang klase dahil sa nangyari o sadyang natutuwa lang sila sa pagkawala ng rule. Kung ano man ang rason nila ayos lang. Basta ako masaya dahil wala ng rule at libreng libre na ang lahat makipagkaibigan sa kung sino man ang gusto nilang kaibiganin.

Habang kumakain kaming anim sa canteen, nagdatingan ang mga teammates ko – dati – at nakigulo sa amin. Dumating din ang ibang naging kaibigan nila Piper, Hailey, Nate at maski ang ibang rebels para tapikin si Hunter. May ilan din naman na bumati kay Tamara at nakipagkilala. Astig talaga kapag pwede nang magsama-sama ang kahit na sino.


"Lara, right? Anong number mo? Text text tayo," dinig kong tanong ni Migs sa kaibigan ni Piper. Halimaw talaga ang isang 'to. Parang kailan lang si Tamara pa ang gusto tapos ngayon nanghihingi na ng number ng iba. "Tamara, huwag kang mag-alala. We're just friends. Ikaw pa rin ang crush ko."


Bago ko pa hilahin ang tenga niya palayo sa mga babae, si Nate na ang gumawa nu'n para sa akin. Hinila niya si Migs palayo at nang makalayo na sila ay iniwan na niya 'yun at bumalik sa amin.

Ilang sandali ay bumalik na naman si Migs pero bago pa man din siya barahin ni Nate ay dinepensahan na niya ang sarili niya, "Tatawagin lang kita, captain. Hindi ako mangunguha ng number, chill lang kayo."

Ano na naman kaya kailangan ng isang 'to?


"Ano ba ang napakaimportante mong sasabihin at kailangan pa natin lumayo sa kanila?"


Nginitian niya ako ng nakakaloko at nagtaas baba pa ng kilay saka ako inakbayan, "Gusto ko lang sabihin na tawag ka ni coach." Ayon lang naman pala ang sasabihin niya sana sinabi na niya kanina pa.

Pupunta sana ako sa office niya pero pinigilan ako ni Migs at sinabing nasa may court daw siya.

Nang makarating ako doon ay inabutan ko si coach na nag-dridribble. Huminto siya nang makita ako at tinanguan. "Evans!"


"Pinatawag niyo raw po ako, coach."

"Nakita ko 'yung ginawa niyo kanina." Siguro 'yung nangyari sa auditorium ang sinasabi niya. "Ayos."


Ihinagis niya sa akin ang bola at agad ko naman 'yung sinalo, "You make me proud. Welcome back, Evans." Napangiti ako sa sinabi ni coach at tumakbo ako palapit sa kaniya para yakapin siya.


"Thanks, coach!"


Bigla rin naman nagsulputan ang mga teammates ko at mga nagsisigawan pa saka naki-grouphug sa amin ni coach. Nagpasabog pa ng confetti ang isa. Kung saan niya nakuha 'yun, hindi ko alam. Binuhat pa nila ako at sigaw ng sigaw sa pangalan ko. Nag-aadik na naman ang mga 'to.

Pero aaminin ko... masaya ako na makabalik sa team.


"Nice one, Warren!" Ibinaba ako ng teammates ko nang marinig ang sigaw ni Nate.


Nilapitan ko ang lima at pinaulanan nila ako ng palo. Mali ata ang desisyon kong lapitan sila.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon