Chapter 11.1 [Tears]

426K 7.6K 682
                                    

11.1. Daniella

"B-bryan..."

Bigla ko siyang niyakap. I buried my face in his shoulder. Kailangan kong itago 'tong mga luhang 'to.

Aminin ko man o hindi, nasasaktan pa rin ako.

"Ssssh. Wag ka nang umiyak."

"S-sorry. Mai-isyu ka na naman dahil sa'kin..." Pinunasan niya yung luha ko. Lalo tuloy akong naiyak.

"Tahan na. Baka sabihin nila ako ang nagpaiyak sa'yo, e. Masisira image ko niyan."

Binatukan ko siya. Kahit ba naman sa ganitong sitwasyon, nakuha niya pang magyabang?

"Halika, tara na lang sa canteen."

Hinila niya na ako. Noon ko lang napansin na madami nang taong nakapaligid sa'min. Hay, mga tsismosa talaga.

"Is he dating Bryan?" 

"OMG! This can't be!"

 "No freaking way!" 

"Ba't siya pa?"

"Eww! Di sila bagay!"

"Mas bagay kami!"

"Ano ka, mas bagay kami!"

Puro ganyan yung mga narinig namin hanggang makarating kami sa canteen. At pagdating sa canteen, ganun pa rin ang eksena. Worse, pinagkaguluhan siya.

"Si Bryan Lim! Waaaaaa!"

Binitiwan ko agad yung kamay ni Bryan. "Teka, bibili lang ako ng tubig."

"Ako na." "Tekaaaa!"

Pero di niya ako pinansin, dire-diretso lang sa pila.

Mabait din naman pala.

Naisip ko, tatlong araw pa lang kaming magkakilala pero parang andami niya nang nagawang maganda sa'kin. Tanggalin natin yung kiss at yung pang-aasar niya. Parang gumagaan na rin ang loob ko sa lalaking 'to. Mabait din naman pala, e. Nakakaasar lang talaga minsan.

"O, eto na tubig mo."

Tumingin ako sa kanya para magpasalamat. "O, ba't ka nakangiti dyan?" sabi ko.

"Wala lang. Ang ganda mo pala kahit mugto na yang mata mo."

"Ha? Anong sabi mo?"

"Ay, wala. Sabi ko ang pangit mo umiyak." "Ang sama mo!" Binatukan ko ulit siya.

Nakakaasar!

Binabawi ko na yung magagandang sinabi ko kanina!

"Makabatok ka, a! Kawawa naman ako sa'yo."

 "Tse! Tigilan mo 'ko!"

"Wait, bakit ka nga pala umiyak?"

Hay. Pinaalala pa talaga niya.

"Ay. Yun? Wala yun." Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan yung baba ko at hinarap uli sa kanya yung mukha ko.

"Uy, bitiwan mo nga ako! Nakakahiya!" Napansin ko na namang madaming nakatingin sa'min.

"Sabihin mo muna kung bakit ka umiyak." 

"Bitiwan mo muna ako."

Binitawan naman niya ako.

"So ano nga? Sabihin mo yung totoo. Friends naman tayo, di ba?"

"Teka, friends? Kelan pa?"

Bigla na naman niya akong pinitik sa noo. "Aray!"

"Ang sama mo naman. Buti nga, kinakaibigan pa kita, e. Ang hot ko na, guwapo at sikat pa. O, di ba, all-in-one?"

"Kapal mo. Ewan ko sa'yo!"

Ininom ko na lang yung tubig. Baka mamaya, topakin ako, maibuhos ko pa yun sa kanya.

"Pero, ano nga ba kasi ang dahilan? Bakit ka umiyak?"

Ang kulit naman talaga!

Hindi yata ako titigilan nito kapag di ko sinabi, e.

Napilitan din akong ikuwento kay Bryan yung nangyari.

Pagkababa ko ng kotse ni Bryan, tumakbo ako nang mabilis at nagtago sa isang eskinita. Thankfully, hindi naman niya ako nasundan. Naglakad na lang ako papuntang school pagkatapos. Medyo malapit na ako sa school nang bigla kong nakita si Erick.

Bigla akong kinabahan. Siyempre, sinong hindi? Nakita mo yung ex mo na hindi man lang nagpaliwanag kung bakit nagawa ka niyang lokohin. Dapat lahat ng relationship may closure. Naramdaman ko na yun na yung tamang oras para dun. Kailangan ko siyang makausap, kahit isang beses lang.

Nakita kong may kausap siya. Barkada ata niya. I waited because I really wanted to talk to him na wala si Allison.

Lakasan mo loob mo, Daniella. Nasaktan ka na naman, di ba?

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon