Chapter 41

415K 12.4K 4K
                                    


Chapter 41

[Timi's POV]

What the hell.. What the hell.. What the hell!!

Nanginginig ang mga tuhod ko habang sinusundan ko si Ice at Erin. Hindi na naka-akbay si Ice kay si Erin pero nakahawak naman ang kamay ni Erin sa braso ni Ice.

Masaya silang naguusap. Mukhang nagbibiruan. Ang sweet nila.

Ang sakit sa dibdib. At ako namang si tanga, sinusundan pa sila.

Oo pwedeng magkaibigan lang sila. Pero lecheng yan! Alam ni Ice ang ginawa sa akin ni Erin. Dati na silang naging magkasabwat para saktan ako. Pero bakit ganun? Bakit sinasamahan pa rin siya ni Ice?!

Nakakainis. Ang bigat sa dibdib.

Huminto sila sa isang art gallery.

"Magling yung nagtuturo sa amin ngayon. Gustong-gusto ko yung painting niya na Angel's Dream. At gwapo ang gwapo niya," dinig kong sabi ni Erin.

"Mas gwapo pa sa akin?" tanong naman ni Ice.

Erin rolled her eyes at him.

"Ewan ko sa'yo Ice. Gwapo man si Sir Caleb, taken na siya."

Nginitian ni Ice si Erin.

"Go home Ice," sabi ni Erin.

"I'll wait for you."

"Wag na."

"Eh. Wala naman akong gagawin."

"Ang kulit mo. Sige na papasok na ako."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ice.

"Alright Erin!"

Pumasok na si Erin sa loob ng art gallery. Tinignan ko si Ice. He's still smiling while looking at her. His expression is soft and full of affection.

Parang sinasaksak ang dibdib ko.

Bakit niya tinitignan si Erin ng ganyan? Bakit ganun?

Naloloko na naman ba ako?

Biglang lumingon si Ice sa kinalulugaran ko at nag tama ang mga paningin namin.

Kita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya ako. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

"T-Timi? W-what are you doing here?"

Napapikit ako at pilit kong pina-kalma ang sarili ko.

"N-nakita mo si---" huminga siya ng malalim. "I can explain."

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at ipinakita kay Ice ang picture na sinend sa akin ni Erin.

Mas lalong nanlaki ang mata niya.

"Explain ba kamo Ice? Kailangan ko pa ba nun?"

"N-no Timi! You got it all wrong! The truth is---!"

"Shut up Ice! Kitang kita na ng dalawang mata ko! Anong sasabihin mo, magkaibigan lang kayo ganun? Wag mo akong pagmukhaing tanga!"

"No Timi! I need you to listen to me!"

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon