[51] It's bad when you know it's your heart you can't trust.

5.9K 76 29
                                    


Chapter Fifty One

NORMAL POV 

“Sunduin mo na lang ako dito mamaya, ha.” Yan ang huling bilin ni Aicel kay Lewis bago siya tuluyang umalis ng classroom nito.

Wala pang klase si Lewis nang maisipan niyang tumambay na lang muna sa Student Council Office. Papasok na sana siya sa loob ng room nang mapansin niyang may tao pala sa loob. Hindi na siya tumuloy sa pagpasok at nagtago na lamang siya sa may gilid upang pagmasdan ang dalaga na mukang busy sa  ginagawa nito.

Malamang nagpapaka-pagod na naman ito sa trabaho lalo na’t after ng basketball competition, ay School Fair naman ang aasikasuhin nila. Yan naman ang gawain ni Patch e, ang student council ang inaatupag nito kapag walang klase. Minsan nga ay nakakalimutan na niyang kumain at magpahinga kapag sinimulan na ang trabaho sa Student Council.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Lewis si Patch sa loob. He can’t help his self from smiling. Makita niya lang ito, ay okay na siya. Kung pwede nga lang yakapin ang babaeng ito, gagawin niya. Kaso naalala niya, ni-let go na nga pala niya ang babaeng mahal niya. Sumuko na siya para hindi na sila mahirapang dalawa. Alam niyang kapag nawala na ito sa buhay ni Patch, magiging okay na sila ni Sage. Tutal muka namang may namumuong maganda sa pagitan nila.

Diba ganon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao? You’re willing to let her go so she could fill her heart with happiness and desire. At sa sitwasyon nila Lewis at Patch, hindi siya ang makakapagbigay ng saya dito. Puro sakit lang ang dulot niya kay Patch.

“Samuel! Halika muna dito.” Tawag ni Lewis sa kaklase niyang si Samuel. Napadaan kasi ito sa Student Council Office.

“Bakit, pre?” Nagtatakang tanong ni Samuel.

“Mmm. Pwede mo bang tanungin si Patch kung kumain na siya?” Lewis pleaded. Napataas naman ang kilay ni Samuel. Bakit naman niya susundin ito?

Nahalata iyon ni Lewis kaya ipinagsalikop niya ang dalawang kamay at nagmakaawa na ito. “Please? Wag mo lang sasabihin na ako ang nagpapatanong.”

Samuel sighed. Tatanungin lang naman niya. Edi sige. Pumasok ito sa loob ng Office habang nakasilip lang si Lewis sa kanila at nakikinig.

“Hi Patch! Ang busy mo ah.” Bati ni Samuel dito.

Nagtataka nitong tinignan si Samuel. Hindi naman kasi sila ganoong ka-close. “Tinatapos ko lang. Para wala ng gagawin after ng basketball game. Napadaan ka?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lewis pagkarinig sa boses ng dalaga. Ohhh. God knows how much he missed her voice.

Nahalata ni Samuel na nawe-weirduhan sa kanya si Patch kaya naging tensyonado ito. “Oo e. Kumain ka na ba? Baka naman nalilipasan ka na?”

Patch smiled lightly. “Mamaya na lang ako kakain.  Tatapusin ko lang to.”

“Ganon ba? Osige, huwag mong kalimutang kumain ha. Baka magkasakit ka pa. Alam mo namang marami ang mag-aalala sayo.” Samuel is pertaining Lewis.

Ngumiti ito sa sinabi ni Samuel. “Salamat.”

“Sige, mauna na ako sayo.” Nagpaalam na si Samuel kay Patch. Tumango lang ito bilang sagot saka lumabas ng tuluyan sa silid.

Okay. That’s weird. Hindi naman kasi sila ganoong nag-uusap ni Samuel kaya naman nakakapagtakang nagtanong ito kung kumain na siya. Haay. Nevermind.

Lalo lang niyang namimiss si alam niyo na. Kapag nalaman nitong nagi-skip siya ng lunch, papagalitan siya nun. But nah, She’s sure na mas concerned na ito kay Aicel ngayon.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon