BDOD #29

15K 483 83
                                    

Vice stopped his car infront of Karylle's Condo building. It's friday night at ngayon ang calltime nila para bumyahe papuntang Laguna for their show tommorow. Klang was seating in the frontseat; playing Vice's phone while waiting for her mom. Vice texted her na nandun na sila at hindi naman nagtagal ay bumaba narin si Karylle, wearing her short-short and blue sweater.

Vice went out the car para pagbuksan ng pinto si Karylle. Kinuha niya ang gamit ng dalaga and placed it on the backseat kasama ng gamit nila ni Klang. Karylle didn't plan to come with them but Anne used her weakness, her daughter, upang mapasama ito.

Nang makarating sa tapat ng bahay ni Direk Bobet, Vice, Karylle and Klang transferred on the rented bus for the whole showtime family.

"ViceRylle, doon kayo!" Billy said while pointing the side of the bus kung saan nakaplanong uupo sila Vice at Karylle.

"Can I sit with Anne?" Karylle asked na hindi pinansin ang sinabi ni Billy. Napa-roll lang naman ng mata si Vice na pumwesto na at kinandong ang anak.

"Karylle, as much as I wanted to sit with you... sorry but I promised Vhong kasi na tabi kami," Anne apologized.

"Ate Ruth? Who's going to sit beside you?" pagpipilit parin ni Karylle na wag tumabi kay Vice.

"Si Kuya Mel," sagot naman ng head writer.

"Kuya Mel, palit naman tayo."

"Nako, Karylle. Wag mong itatabi sa 'kin ang anak mo, maiipit yan." katwiran nito while pointing Klang na nakakandong kay Vice at nakatingin lang sa kanila.

"Mommy, don't you want to sit with us?" tila nagtatampong tanong ng bata kaya wala naring nagawa si Karylle kundi isiksik ang sarili sa tabi ni Vice.

Ngiting tagumpay naman ang binata na isa-isang kinindatan ang mga katrabaho as his 'thank-you'. Karylle doesn't even have an idea na plinano talaga ni Vice 'tong moment na 'to.

"Mommy, kandong!" Klang muttered na nagspread ng kamay para magpabuhat sa ina.

Karylle tapped her lap kaya mabilis namang lumipat ang bata sa hita nito. Vice just watched his babies na nagba-bond together. They were singing Klang's favorite song habang nakatingin sa bintana; watching every house na nadadaanan nila.

"Daddy Bays, look! Horsey!" sigaw ni Klang nang magstop ang bus na sinasakyan nila sa isang 'Horse-Toy-House'

"Hoy kulot! Wag ka ngang maingay!" singhal ni Jhong, isa sa mga kaaway ng bata. "Ang ingay-ingay mo. Kainin kita eh!"

"Niaaway mo nanaman ako! Hmp!"

-.-.-.-.-

Time flew fast and it was past 12 midnight when Vice takes a break from their rehearsal. Pagod na pinunasan niya ang pawis and leaned his back on the chair. Kahit anong kagustuhan niyang magpahinga ay hindi niya magawa. Klang and Karylle were already on their room, resting.

He was about to steal some time to take a nap when he suddenly felt someone next to him. Paglingon niya ay ganoon na lamang ang gulat niya when he sae 'him'. His ex-boyfriend. He was in disguise; wearing shades, black hoodie and ripped pants.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Vice as he was checking kung may iba bang nakakakita sa kanila. Fortunately, Showtime hosts were busy rehearsing.

"Akala ko hindi mo 'ko makikilala," the guy muttered.

"Paanong hindi kita makikilala eh alam na alam ko yang pabango mo," pabulong na sabi nito. "Let's look for a place to talk. Baka may makakita sa 'tin dito, mayayari ako sa anak ko."

Mabilis na hinatak ni Vice ang lalaki at idinala sa lugar kung saan wala gaanong tao. He's worried na baka may makakita sa kanila at makarating kay Karylle ang balita. It might ruin his plan of winning her back.

"Anong ginagawa mo dito?" he asked. The guy removed his shades and looked at him, directly. "Terrence, baka may makakita sa 'yo. Nako naman!"

"Hindi naman ako magtatagal. Sumilip lang talaga ako. I just wanted to see you," sagot nito.

"Anong ginagawa mo dito sa Laguna?"

"Binisita ko si Lola. Alam mo naman na dito siya nakatira diba?"

"Akala ko ba ililipat mo na siya sa Manila?"

"Ayaw niya eh. She really wants to stay here," hindi agad sumagot si Vice na nakipagtitigan saglit sa dating kasintahan. "Kamusta ka na? It's been a long time since the last time we talked,"

"Okay naman. Medyo nakakapagod, pero sobrang okay."

"Ngayon ko lang yata narinig sa 'yo na napapagod ka. Dati kahit kaliwa't kanan ang trabaho mo, okay lang sa 'yo." Vice let out a soft giggle.

"Wala pa 'kong anak nun. Eh ngayon, kaliwa't-kanan na yung trabaho ko, meron pa 'kong anak na kailangan kong paglaanan ng oras." Terrence stared at him. Vice looks so happy, honestly happier than he was when they were still together.

"Napapasaya ka talaga ng anak mo no?"

"Sobra sobra,"

Hindi nakakuha agad ng sagot si Vice from his ex. He was waiting for him to say something but Terrence was just staring at him which made him feel a bit awkward.

"Namimiss na kita," Terrence suddenly muttered.

"Namimiss rin naman kita," Vice honestly answered with a smile. "Sobrang namimiss na kita."

"Pwede pa ba?"

"Gago ka ba?"

-.-.-.-.-

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon