Kabanata 56

696K 18.7K 9.7K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 56 

Mabuti na lang at hindi nagsalita iyong driver buong byahe pabalik ng Manila dahil baka sumabog ako sa sobrang kahihiyan. Mukhang sanay na rin kasi si kuya dahil wala lang siyang pakielam kahit na alam ko naman na alam niya kung bakit ko siya pinaalis.

I wonder kung ganito ba ang ginagawa ng mga artista kaya sanay na si Manong.

Magkahawak ang kamay namin ni Shiloah buong byahe. He was playing with my fingers and I was letting him. Ang saya sa pakiramdam. Parang kami kahit na alam ko na hindi. Kahit walang assurance, walang label, para sa akin okay na muna.

Hindi naman kasi lahat ng bagay ay dapat minamadali.

"Paano kapag may laman na 'to?" he asked habang nakatapat sa tiyan ko iyong kamay niya.

"Na ano? Pagkain?"

"Na baby natin," said innocently and caressed my tummy. Bakit ba gustung-gusto niyang magka-anak? Ang bata pa niya pero puro tungkol sa anak ang naririnig ko sa kanya. "Hindi naman imposible..."

Tinapik ko iyong kamay niya.

"Tumigil ka nga. Ayan ka na naman sa buntis-buntis na nalalaman mo," I reprimanded him. "At hindi ako buntis, okay? Kaya tigilan mo 'yan."

Imposible na buntis ako. Maingat naman ako... madalas.

"Bakit naman hindi? Hindi naman ako baog," he said na naging dahilan para manlaki ang mata ko. "Bakit ka ganyan maka-tingin? Nagpa-check-up ako," he said as a matter of fact.

Minsan talaga mababaliw na ako rito kay Shiloah, e! Kung anu-ano ang sinasabi niya!

"Ano'ng nagpa-check up? Nababaliw ka na ba?!"

He held my hand and played with my fingers again.

"Dati nung palagi mong kasama sila Tobi, wala akong magawa kaya bored ako."

"Kaya naisipan mong magpa-fertility test?!"

He nodded. Ako naman, napa-sabunot sa buhok ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kay Shiloah! Para niya akong binabaliw sa mga ginagawa niya! Para siyang bata na hindi mo maintindihan!

"Grabe. Grabe ka," I said and that was my last say in the topic. Hindi ko na siya sinasagot kapag tungkol sa baby ang tinatanong niya. Mabuti na lang at nakarating kami agad sa radio station at may sobra pa kaming 10 minutes. Mukhang kinakabahan si Marga dahil siya talaga ang malilintikan kung hindi kami nakarating.

"Thank God! Papatayin niyo akong dalawa sa kaba!" she said nung makababa kami sa van. "Ikaw Shiloah e pumasok ka na sa loob ng dressing room para makapagpalit ka na. In 10 minutes, magsisimula na iyong show. Bilis!" she said in haste.

Mabilis kaming kumilos. Mukhang agitated si Marga. Gusto ko sanang magtanong pero baka confidential at saka hindi ko na naman place iyon. At ayoko ng abalahin ang sarili ko sa problema ng ibang tao. Gusto ko muna ngayong maging masaya dahil kasama ko si Shiloah.

Tsaka na ako mamomroblema sa ibang bagay. Basta ngayon, masaya ako.

Pumasok ako sa loob ng radio booth at pinanood si Shiloah habang iniinterview siya nung DJ. He looked more calm and relaxed now. Mukha rin siyang masaya dahil naka-ngiti siya habang kausap iyong mga DJ.

"Ano'ng ginawa mo sa alaga natin? Blooming, ah," Marga commented.

I blushed. Kung anu-ano kasi ang ginawa namin kaya masayang-masaya iyang lalaki na 'yan. Mabuti na lang din at medyo madilim sa radio station kaya naman hindi mapapansin ni Marga iyong pamumula ng pisngi ko dahil sigurado ako na hindi niya ako tatantanan.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon