CHAPTER 29

103K 2.8K 533
                                    

Itong update ko ay para sa mga nagtatanong kung bakit di nila mabasa ang chapter 27 or chapters na blank lang. Paulit-ulit kasi akong sumasagot ng mga tanong lol.

REMOVE THEN ADD niyo lang ulit ang story sa library niyo. Yun lang. lol


CHAPTER 29

Naging sobrang busy kami ni Gabe nitong mga nakaraang ilang linggo. Nag-aaral kasi ako para sa finals namin at siya naman ay tinutukan na ang project nila. Kadalasan ay nasa unit ko siya pero umuuwi rin naman siya sa apartment niya.

Hindi siya pwedeng tumabi sa akin sa pagtulog! Paano na lang kung biglang dumating si Ravince? O kaya surprise visit nina daddy at mommy? Ano ang sasabihin ko? Natutulog lang kami? Oo natutulog lang kami pero ang mga tao ngayon grabe na mag-isip.

Ngayon, pumunta ako sa condo. Nandito na nga ako sa tapat ng condo at pagbukas ko pa lang ay lumantad na sa akin ang ginagawa nina Robin Alexa at Ravince. Nanlaki ang mga mata ko at tila ba hindi nila ako napansin dahil sa nag-iinit na ginagawa ng dalawa.

"W-will you guys stop it?" Agad akong tumalikod at pakiramdam ko ay namumula na ako. "For a while?"

"Sht!" Rinig kong mura ni Ravince.

"May kukunin lang ako tapos aalis na."

"Nakakahiya." Sabi pa ni Robin.

They're making out! Ravince and Robin are making out! And nakita ko na halos nakapasok na ang kamay ni Ravince sa damit ni Robin Alexa. Oh my God! Huwag na huwag gagawin sa akin yun ni Gabe! Hindi ko kakayanin! And Christ! Ano bang iniisip ng kapatid ko?

Muli akong humarap nang pakiramdam ko ay magkalayo na sila sa isa't-isa. Nakatakip ang mga palad ni Robin sa mukha niya. Kitang-kita ko rin na smudge ng lipstick sa labi ni Ravince. Nakahawak ako sa sentido ko na naglakad papasok sa kwarto at kinuha ang calculator ko. Nasira kasi ang calculator na gamit ko at nalimutan kong dalhin ang spare ko.

"I'm sorry. Hindi ko alam na darating si ate." Naririnig ko ang pang-aalo ni Ravince kay Alexa. Humihikbi na nga yata si Alexa dahil nahuli ko sila.

"Nakakahiya talaga." Sabi pa ni Robin. Siguro ay kung natraffic ako ng ilang minuto baka hindi lang ganun ang naabutan ko. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto kaya alam kong umalis na si Robin.

Ugh...

Lumabas ako sa kwarto at tinignan ko si Ravince.

"Ravince, ingat-ingat naman. Saka... huwag kayong nagmamadali, okay? Paano kung mabuntis mo siya?"

"Edi pananagutan ko." Nagpamulsa siya at tumingin sa ibang direksyon. So balak talaga iyang mauwi doon? Siraulong bata 'to!

"Masisira ang buhay niya. Hindi pa kayo tapos mag-aral. Ikaw kasi hindi ka talo, e. Pero yang babae, talo yan." Umiiling akong tinapik ang mga balikat niya bago ako umalis. Ipapabawas ko na ang allowance niya para mabawi ko na ang dati kong allowance.

"Don't tell dad," Sabi niya. "And mom."

"Kung takot ka pala sa kanila, edi sana hindi mo binalak gawin!"

"Hindi naman maiwasan, e." Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. Ganun ba siya kalibog? Este di man lang siya makaresist sa charms ni Robin?

"Reasons, madali naman iwasan. Huwag kayong gumawa ng kababalaghan. Sisipain ko talaga 'yang ano mo."

After ko siyang pagsabihan ay umalis na ako sa condo. Pakiramdam ko tuloy ay nawala lahat ng inaral ko dahil sa kanya. Jusko. Kastress siya, a.

Bukas na ang huling exam ko. Pero ngayon ay kailangan kong pumunta sa company para kuhanin ang grade ko sa supervisor namin. Ang sabi ni Kevin ay doon na lang kami magkikita.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon