Chapter 17 - Bewildered

77.4K 2.4K 428
                                    


[ M A R C ' S P O V ]




"Ayos ka lang ba, Marc? Huwag kang masyadong mag-alala, nandoon naman ang tropa para umantabay sa kondisyon ni Rennei. She'll be okay. Don't stress yourself." pagpapalakas ng loob ni Janice sa akin habang nasa loob kami ng kotse.



Napagdesisyunan kasi namin na muling magkaisa. Hindi ko alam kung ano ang tumulak sa akin para iwanan muna ang asawa ko sa ospital pero alam kong kung nasa tabi ko lang ngayon si Rennei, siguradong gugustuhin niya rin ang desisyon na pinili ko. Matagal ng nagkalayo kaming magkakaibigan at ayokong sayangin ang pagkakataon na ito na mabuo ulit ang grupo namin.



'Yung grupo ng sampung heads, apat na pambihirang babae, at ang magkapatid na Domzelle. The nostalgic feeling is just so strong. Parang bumalik kami sa panahong highschool pa lang kaming lahat kung kailan halos puro away bati kami at kung kailan andami naming pinagdaanan. Sa totoo lang, gusto kong bumalik sa mga panahon na iyon. Wala naman din kasing pinagkaiba ang sitwasyon namin noon sa kasalukuyan naming hinaharap. Tunay nga na ang ilang taon ng kasiyahan ay panandalian lamang. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay wala na sa amin si Alex at samantalang si Rennei ay nasa bingit pa rin ng kamatayan.



"May tiwala naman ako kina Dereen, Fiacre, Uncle Johan, at Dash na babantayan nila si Rennei. Teka, ano nga palang nangyari doon sa iba?" pag-iiba ko ng usapan.



"Ah! Pumunta ang mga natirang dating personal reapers ni Alex sa mausoleum para tingnan kung nandoon ang katawan ng master nila. Tatawag daw sila kaagad kapag may nakumpirma na sila. Sina Kuya Juno naman, kasama niya sina Edward at Xander para mag-imbestiga sa blood disease. Sina Kia, Courtney, Thelina, at Jonathan, pinapunta muna namin sa mga bahay natin para siguraduhin na nakaalarma ang mga guwardiya kung sakali mang makatunong ang council sa gagawin natin." mula sa mahinahon na ekspresyon ay mabilis na nagbago ang ekspresyon niya sa pagiging seryoso at determinado.



Napansin ko rin ang paghigpit ng kanyang kapit sa bag na nakapatong sa mga hita niya. Inalis ko naman na ang tingin ko sa kanya at tumingin sa labas. May mahinang pag-abon. Pagbagsak ng mga mahihinang patak ng ulan mula sa kaulapan. Mabilis lang na tinutungo ng sasakyan namin ang daan papunta sa sinasabing lugar ni Janice kung saan madalas daw niyang makausap at makita ang babaeng kakilala niya na parte ng council. Wherever you are, please guide us, Alex and Rennei.



Kumpara sa pinagdadaanan ko ngayon, walang wala ito sa nararanasan ni Spade. Matagal ko ng kaibigan si Spade. Kilalang kilala ko na ang personalidad nito kahit na ba hindi ko siya laging kasama o laging nakakausap. Alam ko kung gaano siya nagpakahirap para mahanap si Kirsten. And unfortunately, she dissapeared from his arms once again. May mga ilang pagkakataon nga noon na sa tuwing nakakainom siya ay bigla bigla na lamang siyang magkekwento kung gaano kaganda at kabuting babae ni Kirsten. I thought, he is deeply in love with that girl that it made him insane.



I can remember how happy Spade is whenever he is with Alex. I can clearly remember their vows during their wedding seventeen years ago. Vows which melted all the attendees' hearts completely.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon