Chapter 37: Black Dragons

36.8K 1.6K 217
                                    

UNEDITED...



DENISE



Nangangamba ako sa mga patay na halaman at mga malalaking buto sa paligid. The bones of dragons were everywhere. I don't know why there's too many bones on this place. Masangsang ang amoy na tila sariwa pa lang ang pagkamatay nila. Did someone kill them? Nakangiwi na kami at tinatakpan ang mga ilong namin. Habang naglalakad ay alerto kami sa buong paligid upang hanapin ang mga dragon na makakalaban namin. The surroundings were totally dead, rotting and empty. I wondered what kind of dragons were waiting here for us. Mukhang mas nakakatakot ito at mabagsik kaysa sa mga nauna. May natanaw kaming malaking kweba sa dulo. Sa likod nito matatanaw ang huling hagdan patungo sa huling isla.



"Seems like the dragons here are savage murderers?" komento ni Sky na nasa tabi ko. I seriously nodded when I looked at him. Napansin ko na nakayakap ang mga kamay ni Silver sa leeg niya habang nakasakay ito sa balikat ni Sky. Nakapatong pa ang pisngi ni Silver sa ulo ni Sky habang natutulog nang mahimbing. Mukhang napagod talaga siya. Mabuti na lang may dala akong special item upang maibalik ang lakas niya. He's sleeping soundly like he didn't care on the danger around him. I smiled.



"You look cute together," I said sincerely.



Sky smiled. "Like father and son?" he teased. My cheeks heat up.



"Well, yes? Maybe? I don't know," I said and shrugged my shoulder.



"We're like family," he teased again.



"Whatever you call it," I said. I pouted and shrugged my shoulder again. Hindi ko ipinakita na apektado ako. But I didn't countered his statement as well. I'm in the middle. We're like family? It actually sounded good in my ears. Hindi na nagsalita pa si Sky. Nagtatakang tumingin ako sa kanya dahil sa pananahimik niya. Maybe I offended him? But I'm wrong. He's looking at me with a pleasant smile. I don't know why my heart skipped a beat. Nakakainis ang makahulugan niyang pagtitig at pagngiti.



"But it's better in real life, right? Having a family..." he said as if he's waiting for my reaction. I looked away. Hindi naman niya sinabing kami ang magiging pamilya. Baka naman kapag sumagot ako nang pabalang, isipin niya na assume-ra ako. But I agree. It's better in real life to have a family on our own. But we're still too young to have it. Maybe in the future.



"Yeah. It's better in real life," mahinang saad ko. Nang tingnan ko siya sa gilid ng mga mata ko, hindi na siya nakatingin sa 'kin pero nakangiti pa rin siya. Damn! This game's driving me crazy. Or he's driving me crazy? Jeez. I wondered why he's not asking me to be his girlfriend in real life? Maybe he's not really into me. I don't want to assume but he said he loves me. O siguro hindi naman totoo? Siguro paasa lang talaga siya?



Itinuon ko na lang ang pansin sa buong isla. Malayo na ang nararating namin pero wala pa rin ang mga dragon. Tinitingnan ko rin ang lupa dahil baka bigla na lang silang sumulpot mula sa ilalim. Natigilan ako. Malakas na sigaw ng pagkagulat ang narinig ko sa mga kasama ko. Ang ilan ay nagmura pa at agad sumugod. Napakunot-noo ako at naalerto sa ingay na nagmula sa likod ko. Nagmamadaling humarap ako sa kanila. Nakahanda na agad ang palaso ko pero napanganga ako sa nakita. A black dragon made of skeletons. Napansin ko rin ang paggalaw ng mga buto sa paligid namin habang unti-unting nabubuo at nag-anyong dragon pero nakalabas ang mga buto. Ilang segundo pa ay lumalabas na ang mga balat nito pero makikita pa rin ang nakalabas na buto sa pakpak. Nagkalaman na rin ang katawan at buntot nito. Ang ilan sa mga kasama ko ay umaatake na at hindi na naghintay na mabuo ang dragon. Maging ang mga nakapaligid na dragon sa 'min ay pinaulanan ko na rin ng mga palaso.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon