CHAPTER 24

7.1K 168 1
                                    

Chapter Twenty Four

Hindi mapaglabanan ni Sienna ang pagpikit ng mga mata. Namamanhid na ang pakiramdam niya. Dumidilim na rin ang paligid niya. Sumisigid ang kirot sa kanyang dibdib. Gusto niyang manatiling gusing ngunit hindi niya kaya.

Diyos ko, kung ito na ang katapusan ko. Please, make it easier for me.

Nararamdaman niya ang pagpisil ng binata sa kanyang kamay. Nag-eecho sa pandinig niya ang mga salita nito. Bakit tila kaylayo ng tinig ng binata? Pilit niyang sinusundan kung saan iyon nanggaling sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kanyang paligid.

Naaaninag niya ang guwapong mukha nito na puno ng pag-aalala. Sa abot ng kanyang makakaya ay pinilit niyang angatin ang isang kamay patungo sa pisngi ng binata. Her fingers touched something wet on his face. Umiiyak ba ito? Dahil doon ay lalong tila nalungkot ang dalaga.

"D-Don't...worry...M-Mag...Magiging m-maayos ang l-lahat...Y-You'll be...o-okay...I...l-love y-you...Xander...B-But...I...c-can't...make it...I'm s-sorry
..." Nahihirapang sabi niya sa binata.

Naramdaman na lang niya ang mabining halik na iginawad ng binata sa kanyang mga labi. "X-Xander..."

I'm sorry, Xander. This might be the end... Bulong ng dalaga sa isip. Naririnig niya ang mga tinig sa kanyang paligid. But she was slowly drifting and drowning into darkness. She was slowly falling apart. And for the second time since she first came face to face with Xander, she closed her eyes...painfully. At nagdilim na ang lahat sa kanya.

Nasisilaw siya sa matinding liwanag ngunit natatakot siyang ipikit ang mga mata. Ayaw na niyang bumalik sa pagkakatulog. Nananakit at nanghahapdi ang kanyang mga mata ngunit pinaglalabanan niyang huwag pumikit. Katulad noong bago siya mawalan ng malay, may mga tinig siyang naririnig. Mga naghihinagpis na tinig. May umiiyak at may tila galit. Pamilyar sa kanya ang mga tinig. Pamilyar na pamilyat sa kanya. Dahil doon ay lalong lumakas ang loob ng dalaga. Patuloy pa rin niyang naririnig ang palitan ng mga tinig.

"Doc, bakit hindi pa rin siya nagigising? My God! It's been a week!" tinig iyon ni Xander.

Oh Xander! I'm here! I'm awake! Gustong isigaw ng dalaga ang mga katagang iyon. Ngunit bumalik sa isip niya ang huling sinabi nito. A week? Isang linggo na akong walang malay?

"Ang anak ko..." humihikbing usal ni Aurora.

'Ma... Diyos ko, ang Mama ko... Patawad! Patawarin mo ako, 'Ma! Narito na ako. Huwag ka ng umiyak, pakiusap...Patawad!

"Doc! What's happening to her! God! Please, do something! Sienna...Sweetheart! I'm here, baby. We're here. Come back, baby. Come back to me!" natatarantang hiyaw ng binata. Bakas ang takot sa tinig nito. Lalo na nang mapatingin ito sa mga aparato at sa monitor na naka-konekta sa katawan ng dalaga.

Anong nangyayari? Xander! Mama! Sagutin ninyo ako! Piping kausap ni Sienna sa mga ito. Ngunit duda siya kung naririnig siya ng mga ito.

"Anak! Sienna! Lumaban ka! Pakiusap, lumaban ka. Hindi ko kakayanin, anak. Lumaban ka!" narinig niyang iyak ng ina.

"We have to sedate her. She's having a convulsion." Kalmadong sabi ng doctor na naroroon na pinaglipat-lipat ang tingin kina Xander at Aurora. Pagkatapos ay mabilis ang mga kilos na sinenyasan nito ang kadamang nurse.

No! Patutulugin nila ako ulit! Ayoko! Please, ayoko nang matulog uli. She screamed in hysterics. Huwag...pakiusap... at muli ay binalot ng karimlan at kadiliman ang kanyang kamalayan.

My Love, ALEXANDREIWhere stories live. Discover now