Chapter 18 - Edeline

71.7K 2.2K 235
                                    


[ M A R C ' S P O V ]




"Ibig sabihin, buhay nga si Alex?!" nabulalas ko na lang.



Oh God. Alex's body is missing! And if Janice's knowledge about the council's method is right, then there's a huge possibility that she is alive and is under the council's care! But if she is really alive and is living under the council's rule, then she ... she might be one of their superhuman soldiers now.



"Hindi pa natin masasabi 'yan. Ang sabi sa akin ni Edeline noon, hindi lahat ng babaeng na-iinfect ay nagagawang makasurvive sa lakas ng epekto ng disease sa katawan nila. May ilan na talagang natuyot na ang buong katawan ng dahil sa hindi nila kinaya ang pagdaloy ng nilalaman ng disease sa bawat ugat nila." Janice answered.



Gayunpaman, alam kong may pag-asa na buhay nga si Alex. Hindi lang naman ako di ba?



Sa kabilang banda, hindi ko maiwasan ang pakiramdam na matakot sa kayang gawin ng Onyx Council. Narinig na namin ang tungkol sa kanila noon pero hindi namin alam na ganito pala sila kalakas at makapangyarihan. Pero napakawalang puso nila upang gumawa ng ganitong karamdaman. Masyadong malupit na ang mismong karamdaman ay ang siyang maaaring magdesisyon kung nararapat ka pa bang mabuhay o hindi. Isang kapalaran na hindi dapat nahulog sa mga palad ng mga namumuno ng konsehong iyon.



"We're here." the driver informed us. Daglian naman kaming nagsilabasan sa kotse at tumingin sa lugar kung saan kami napadpad. Napatingin din ako sa isa pa naming kasunod na kotse kung saan lulan nito sina Collen, Sky, Alexis, at Spade.



Binalot kami ng malamig na simoy ng hangin at nakakabingi ang wasiwas at pagpapatangay ng mga matataas na damo sa hanging dumaraan. The place looks totally abandoned and hunted. There are only about five houses in this area. What's worse is that, the houses look like they were burned. You can't find any kid playing outside. Wala ni anong bakas na tao. Iilan lang din ang makikita mong mga puno. Tapos makulimlim pa. It's as if this whole place is set for a horror movie. Napansin namin na medyo lumalakas na ang pag-ambon kaya naman sinenyasan ko na sina Spade na humanap ng masisilungan.



Ngunit nang sa hindi namin namalayan na pagkakataon ay nabigla na lamang kami sa tunog na likha ng pagbagsak ng isang tao. Agad naman kaming naalerto at nagsilabasan kami ng mga dala namin baril, shuriken, at iba pang sandata. Nilapitan naman namin kaagad si Janice na tumawag sa amin at tinuro ang kung ano sa may malapit sa kanya.



"Holy shit." nasambit na lamang ni Sky at ibinaba ang hawak niyang baril. Nanlumo kami sa itsura ng driver namin. Sa paglakas ng patak ng mga tubig na nagmumula sa kalangitan ay sumasabay sa lumalabas na sariwang dugo ng lalaki sa pag-agos ng tubig. May direktang tama ng shuriken sa kanyang ulo na siyang halos pumunit sa balat nito sa noo.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon