Chapter 45 (Last Chapter)

884K 21.8K 9.6K
                                    


Chapter 45

(Last Chapter)


[Erin's POV]

"What are you doing here?" tanong ko sa ngiting-ngiti na si William.

"I-chi-cheer ka!" masigla niyang sabi.

Nilingon ko si Ice at Aiscelle. They are both smiling innocently at me.

Napa-buntong hininga na lang ako habang iiling-iling.

Mini graduation ngayon ng art class na pinasukan ko at dito sa art gallery ito ginanap. Wala akong inimbitahan ni-isa sa kanila kaso ang magaling na si Aiscelle, nakita ang invitation na binigay sa akin kaya naman nagpumilit na sumama. Dapat daw present siya. Hanggang sa nalaman ni Ice at nagpa-cancel pa ng schedule niya. Tapos tinawagan pa ang nanay kong nasa Ilocos kaya si mama napauwi sa Maynila ng di oras at nagpa-parlor pa.

At ngayong nandito na sila sa art gallery, nakita kong kasama na nila si William.

Napailing na lang ako.

Kahit kelan talaga hindi nila ako mahayaang mag-isa.

Well, atleast Ice did not invite her girl friend. Pag nagkataon magwawala na talaga ako.

Nagpaalam ako at iniwan ko na sila doon sa guest seat. Nagpunta ako sa likod ng gallery kung saan nandoon ang iba pang mga naging kaklase ko sa art class.

Habang naglalakad ako papalapit sa kanila, nadaanan ko yung painting nung art teacher namin na si Sir Caleb.

Angel's Dream ang pangalan ng painting niya.

Doon sa painting, may isang babae at lalaki ang magkatabing nakatayo sa rooftop habang tinitignan nila ang scenery.

Ang langit, magkahating umaga at gabi. Sa left side, may Eiffle Tower. Sa may likod, may mga Pine trees na nababalutan ng snow. Sa right side naman, may mga cherry blossom trees.

Ang weird. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng painting niya na 'to. Pero siguro yung weirdness at mystery ang mas nakapag paganda ng painting niya.

Sabi nila, he painted it when he was 18 years old.

Itong masterpiece na 'to nagawa niya nung teenager pa lang siya.

Habang ako nung mga panahon na yun....

Para akong biglang nalungkot.

Paano kung hindi nangyari ang aksidente? Makakagawa rin ba ako ng ganitong kagandang masterpiece sa ganyang edad? Paano kung naging normal, maayos at puno ng positive vibes ang buhay ko noon?

Ang daming what ifs. Pero kada iniisip ko ang mga pwedeng mangyari noon, mas lalo akong nade-depress.

Kasi wala na. Lumipas na ang panahon. Ang dami ko nang inaksayang oras. Pero wala na akong magagawa doon eh.

"Erin."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Sir Caleb na papalapit.

"I heard what happened to you. I'm so glad you can make it today."

Tumango ako, "ah, thank you."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon