...

41.5K 1.2K 61
                                    

Kanina ko pa gustong barilin ang usa na umiinom ng tubig sa may sapa. Malaki ito at siguradong maraming karne ang makukuha ko. Aabot din ito ng ilang linggo para sa amin. Ngunit sa tuwing kakalabitin ko na ang gatilyo ng aking hunting rifle ay lage akong nakakarinig ng kaluskos mula sa kabilang bahagi nitong gubat. At kapag tinitingnan ko naman ang paligid mula dito sa itaas ng puno, ay wala akong nakikita na kung anuman.

Baka guni-guni ko lang yun.

Muli kong sinilip sa sight ng aking hunting rifle ang usa. Umiinom pa rin siya ng tubig. Kaya naman dahan-dahan kong iniumang ang aking daliri sa gatilyo.

Ngunit bago ko pa iyun maiputok ay bigla na lamang may kung ano na umatake sa usa. Nakaitim na overall coat ito. Nakita ko kung paano niya patumbahin ang napakalaking usa gamit lamang ang katawan niya at bigla na lamang niya iyung kinagat.

What the!?

Hindi ako nakakilos habang pinapanood kung paano sipsipin ng nilalang na ito ang dugo ng hayop na sana ay pagkain ng pamilya ko.

Litong natigilan lang ako.

Nakatitig.

Pigil ang hininga.

Wala nang buhay ang usa nang tumayo ang nilalang. Nagpahid siya ng bibig ay sumalok siya ng tubig mula sa sapa at naghilamos siya.

Hindi ko na namalayang naninigas na pala ako lalo na nang dahan-dahan siyang humarap sa direksyon ko. Mapupula ang kanyang mga mata at mayroon siyang matutulis na mga pangil.

Nanlaki ang mga mata ko sabay tutop ng bibig ko upang pigilan ang paglabas ng munting ungol.

Bago pa man ako makakilos ay nakita ko na siyang tumalon ng mabilis papunta sa direksyon ko.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon