1: Savannah

48K 1.2K 155
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagbago na ang buhay namin. Wala na ang magagarang sasakyan, mamahaling mga damit, sapatos at alahas, wala na rin ang koleksyon ko ng mga designer bags.

At higit sa lahat, wala na ang ingay ng pamilya ko na dati ay ikinaiirita ko. I would kill just to hear my younger brother and sister bicker each other again. Max's annoying pranks or Rianah's super loud squeaks. All of these were gone. Nilingon ko ang dalawa kong kapatid na nasa backseat. Kanya-kanya silang nakatingin lang sa labas ng bintana.

We were all quiet inside this old raggedy truck that I bought for a few thousands. We were all lost in our own worlds as we approach our destination, our new home.

An unknown town full of strangers.

Kabado ako pero kailangan kong magpakatatag para sa mga nakababata kong kapatid.

Using my right hand, I scanned the map once more habang ang kaliwa naman ang kumokontrol sa manibela.

"Nandito na tayo," anunsyo ko.

Agad kaming napatingin sa arko na nasa unahan namin.

Hellville City

Bakit bigla akong kinilabutan nang mabasa ang mga letrang nasa itaas ng lumang arko? Alam ko na naman na 'yun ang destinasyon namin ngunit hindi ko pa rin mapigilan na kilabutan lalo na nang makita kong kinakalawang na ang arko na 'yun. Mukhang hindi inalagaan.

"Anong klaseng lugar 'to?" tanong ni Max habang papasok na ang sasakyan namin sa arko.

"Dito isinilang at nagdalaga si Mama. Mababa ang cost of living dito kumpara sa ibang bayan. Dito lang natin kayang manirahan lalo na at gipit tayo," mahaba kong sagot.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Napaka-dry ng lugar na 'to. Maalikabok ang daan at ang mga puno at damo ay nagkulay brown na. Hindi yata binisita ng ulan ang lugar na 'to sa loob ng maraming taon.

May nakita akong ilang madudungis na mga bata sa tabi ng daan. May hinihila ang isa sa kanila na isang patay na kabayo.

Muntik ko nang maapakan ang brake ng sasakyan dahil sa gulat.

What the...?

Paano n'ya nagawang hilahin ang kabayong 'yun nang walang kahirap-hirap? Napakalaki n'on at ang edad ng bata ay naglalaro siguro sa pito o walong taon.

"Ate, nakita mo 'yun?" nahihintakutang tanong ni Max sa akin. Sinulyapan ko siya sa rearview mirror at nakita kong nanlaki ang mga mata n'ya. My poor brother.

"B-Baka malakas lang talaga ang batang 'yun," sagot ko na lang. Hindi ko rin alam kung ano talaga ang dapat isipin sa nakita. At ayoko ring taniman ng takot ang dibdib ng mga kapatid ko.

Pero imposible. Masyadong malaki ang kabayong 'yun para mahila na lang ng basta-basta ng isang bata.

Strange. Very strange.

Sa wakas ay nakarating na kami sa bahagi ng bayan na may mga bahay at ilang mga establishments. The buildings looked old and dingy. Faded na ang pintura ng mga bahay at buildings, pati ang mga signage ay luma na rin. May ilan pang kulang-kulang ng letra.

May nakikita akong ilang mga tao na naglalakad sa paligid. Mukha naman silang normal 'yun nga lang, wala akong nakikitang mga nag-uusap o nagbabatian. Halos magbanggaan na sila sa kanilang paglalakad pero parang wala silang pakialam sa paligid. Ang iba naman ay tila nagmamadaling makalayo at umuwi na.

This place screamed strange.

Every fiber of my being screamed at me to run away. To take my siblings as far away as possible.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon