Chapter 19 - Behind The Painting

71.1K 2.2K 321
                                    


[ S P A D E ' S P O V ]




"Patay na kasintahan? Kailan pa? Not too long ago, my youngest son was saved by that woman."



"I'm sorry, mister. That is very impossible. Miss Azalea Luiciere is already dead for almost eight years. She died from a terrible bombing incident before and was dead upon arrival on the hospital. Isa pa, walang Azalea na miyembro ng Onyx Council. Isang malaking parusa ang ipapataw sa kung sinuman ang may tapang para gamitin ang pangalan na iyon sa loob ng grupo. Saka matagal ng natapos sa isyu na iyon ang judge."



"Then, where's my wife's body?"



"I don't know. May dalawang bagay lang naman ang pwedeng mangyari. Una, pwedeng hindi niya rin kinaya ang epekto ng disease sa katawan niya at maaaring naging isa na siya sa mga tuyot na bangkay ngayon. O di kaya, magagaya siya kay Samara na palihim na isinailalim sa paghahanda para maging pangunahing tauhan ng judge. Pero imposible dahil sa buong kasaysayan ng konseho, pangatlong beses pa lang nangyayari iyon. I mean Samara's case."




Nanglalata at nanghihina akong napaupo sa backseat ng kotse nang tuluyan na akong makapasok sa sasakyan. Dinaluhan naman ako ni Janice, Sean, at Marc na lumipat pa ng sasakyan para lang kamustahin ang kondisyon ko. Pero malay ko ba ngunit sadyang nasadlak ako sa malalim at malayong pag-iisip.



Una pa lang, alam ko ng masasaktan lang ako sa pinaggagagawa ko. Alam ko naman sa sarili ko na patay na talaga si Alex at hindi ako ang Diyos para ibalik siya sa pagkabuhay. Ang maliit na tiyansa na ito, ito ang siyang patuloy na nagpapalago sa katiting kong pag-asa na baka nga buhay pa siya. Wala naman kaso sa akin kahit mawalan siyang muli ng memorya. Kaya kong tiisin 'yun. Kung nakaya ko iyon noon nang mawala ang alaala niya bilang Kirsten, pwes mas kaya ko ngayon kung kailan matibay ang paninindigan ko na kaya kong ibalik ang lahat ng nawala sa kanya. Baduy o corny mang panghawakan ng lakas ng loob pero alam kong maaalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan.



Handa na ako sa lahat ng iyon. Handa rin ako na kaharapin ang punyetang konseho na iyan mabalik lang siya sa akin, sa mga anak namin, sa aming magkakaibigan, at higit sa lahat sa mga tauhan naming bukod tangi pa rin ang katapatan sa naging pamumuno ni Alexandria. Kaso bakit kung kailang naniniwala na ako at sobrang taas na ng ekspektasyon ko ay bigla na lang may darating para wasakin ito?



"Because Spade William Vantess, you are my miracle."



Muli ko na namang naalala ang sinabi ni Alex. Miracle? If I am your miracle, then maybe you are my star. I may not be able to see you or I may not have the time to bother myself about you in daytime but once the sun sets and the moon rises, you have always been there. Moreover, just like a star, you are no longer in my reach. As I look at the sky today, even the stars were already missing. I can't find you anymore. I can't see you anymore. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga maniwala sa miracle na sinasabi mo, Alexandria. I want to see you.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon