Chapter 12

110K 2.2K 95
                                    

                                                                             

                                                                                         *****

Makulimlim ang kulay dilaw na ilaw na nagmumula sa lampshade. Tahimik ang buong paligid maliban sa mahinang tunog na nanggagaling sa aircon. Naghihintay ang isang malaking higaang pulidung-pulido ang pagkakaayos ng kobre kama at mga unan.

Nakatayo sa tabi ng kama sina Warren at Lena. Magkaharap. Nagtitigan. Nagmamatigasan at nagpapakiramdaman. Halatang hindi sigurado sa kanilang mga binabalak subalit walang gustong magpatalo at umatras. Parehong balak panindigan ang mga salitang binitawan.

"I'm giving you a last chance to change your mind."

Titig na titig si Warren sa dalagang may nagmamatigas na mukha habang binibigyan ito ng huling pagkakataong umatras. Pinipigilan niya ang sariling huwag magpadala sa tukso. Kung pagbibigyan ang kagustuhan ay kanina niya pa ito siniil ng mga halik. Hindi niya tatanggihan ang isang babaeng dati ay pinapangarap niya lamang mayakap at mahalikan. Kung dati ay kinakailangan niya itong iwasan sa tuwing tumatabi sa kanya sa paghiga, ngayon ay may pagkakataon siyang gawin anuman ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Subalit, kailangan niyang pigilan ang tawag ng kanyang pagkalalaki. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos dahil ang kaharap niya ngayon ay hindi lamang isa sa mga babaeng pinaglalaruan niya. O kaya'y isa sa mga babaeng nakilala niya sa kung saan-saan. Ito ay si Lena...ang babaeng dati niyang minahal at naging kaibigan.

Tiningnan niya ng maigi ang mukha ng nagmamatigas na babae. Hindi na tumatalon ang puso niya sa tuwing nakikita ito ngunit hindi niya maikakaila sa sarili na ito pa rin ang pinakamagandang mukhang nakita niya. Nginisian siya nito dahil sa huling sinabi niya at inilahad nito ang kanang palad.

"Akin na ang isang milyon mo. Kaliwaan tayo." matapang na wika ng dalaga.

Napangisi si Warren at walang pag-aalinlangang kumuha ito ng tseke. Sinulatan ito ng nasabing halaga at iniabot sa babae ng may nakakalokong mga titig. Sinuklian din ito ng matatapang na mga titig ni Lena habang walang pagdadalawang-isip sa pagtanggap ng tseke.

"Ako naman ang magtatanong. Sigurado ka na ba dito? Hindi ka ba manghihinayang sa isang milyon mo?" ngingiti-ngiting tanong ng dalaga habang binabasa ang tseke.

Abot langit ang kabang nararamdaman ni Lena subalit ginagawa niya ang buong makakaya upang huwag itong ipahalata. Nadadala siya ng galit at mga hinanakit. Batid niyang wala siya sa tuwid na pag-iisip ngunit gusto niyang patunayan sa sarili at sa mga taong nagmamaliit sa kanya na kaya niya ring maging matigas. Handa na siyang sumugal sa mga alanganing desisyon ng buong tapang. Pagod na siyang apak-apakan. Sawang-sawa na ang mga tenga niya sa pang-iinsulto ng iba. At para sa lalaking kasama niya ngayon, sisiguraduhin niyang ito mismo ang aatras sa sitwasyong pinapasukan. Alam niyang napapasubo lamang ito. Ito ang hinahabol-habol ng mga babae. Tanga lamang ang lalaking nasa katulad ng katayuan ni Warren na magbabayad ng ganito kalaking halaga para sa isang gabi kasama ang babaeng walang halaga sa buhay niya.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon