Chapter 26

153K 4.9K 566
                                    


"I knew it! Kaya pala magkamukha kayong dalawa, para ka kasing girl version ni Axel. Wow lang"-jeanne
"Bakit di nyo agad sinabi?"-sky
"Sorry, medyo madami na kasing nangyari. Di namin alam kung paano sasabihin"
"Kaya naman pala ikaw lang ang kinakausap nya for the past three days"-sky

"Kamusta na nga pala si Axel? Bakit daw hindi sya nagpunta sa burol?"-johanne
"Naabutan ko syang umiiyak, pero nakausap ko na sya. Sabi nya dadalaw nalang daw sya sa puntod ni Von then bibisitahin nya si Charm"

"So kakambal nyo rin ang prinsipe ng Underworld"-frost
"Oo"
"Paano nga pala yon, maglalaban kayo?"-johanne

That caught me off. Paano ko magagawang labanan ang sariling kadugo ko? Kaya ko ba?

"Kung kailangan" sabi ko ng nakayuko
"Taga Underworld sya, what's worse is prince pa. Kailangan talaga"-jeanne
"Wag kang magalala, nandito naman kami eh. Baback up kami sayo"-sky

Napangiti na ako dahil sa sinabi ni Sky "Salamat" As long as they're here, I'm fine.

"Patawad sa abala ngunit nais po kayong makausap ng mahal na hari, kasalukuyan po syang nasa silid aklatan" sabi ng isang lalaki, servant siguro.

"Aish istordo, kitang nagmomoment eh" bulong ni Jeanne

"Tara na" aya ko sa kanila

Naglakad na kami papuntang library, naabutan namin sya na may kausap na dalawang lalaki kaya siguro ay hindi nya napansin ang pagdating namin. Sandali lang ay umalis na rin sila, pero bago pa sila tuluyan makaalis ay narinig ko pa ang usapan nila.

"Ang sasama talaga nila"
"Oo, mabuti nalang at tumulong ang hari. Magpapadala sya ng mga tutulong sa atin"

Okay, hindi ako chismosa ahh? Sadyang malakas lang kaya narinig ko sila. Pero sino nga kaya yung tinutukoy nila, sinong masama?

"Maupo kayo"-king

Naupo kami ng nakahilera sa harap nya, napaka seryoso naman ng hari. Ano kayang nangyari?

"Hindi na ako magpapaligoy pa, may mga taong nangangailangan ng tulong nyo. Kakakausap ko lang sa pinuno ng Lavander Island, nagkaroon ng sunod sunod na pag atake sa kanilang bayan. Ang isla iyon ay may kalayuan dito sa atin, pero kung ngayon na kayo aalis ay makakarating kayo bukas ng umaga. Kayo ang ipapadala ko para tumulong sa kanila."-king

"Lavander Island? Diba taga doon si Charm?"-jeanne
"Oo nandoon ang lola nya! Baka mapahamak sya, siguradong malulungkot si Charm!"-sky

"Isa pa yan sa gusto kong sabihin, kailangan nyong madala dito ang lola nya dahil baka may alam syang potion na makakatulong kay Charm"-king

Underworld. Sigurado akong sila may kagagawan ng pagatakeng ito.

"Pupunta po ako"
"Eh? Sama na rin ako!"-sky
"Kami rin ni Johanne"-jeanne
"Ikaw Frost?"-johanne
"Tss"-frost

"Sasama din ako"

Isang boses ang narinig namin sa pinto. Napatingin silang lahat doon pero nanatili lang akong nakatalikod, alam ko naman kasi kung sino yan. Boses palang Axel na.xD

"A-Axel? Ayos ka na?"-jeanne
"Yep. Bakit bawal ba akong sumama?" Natatawang tanong nya pagkaupo sa tabi namin
"Pwede naman, pero ayos ka na ba talaga?"-sky
"Naman kulit nyo ah, tingnan nyo si Flame all smiles lang" pagtukoy nya sa akin

Di ko napansin kanina pa ako nakangiti.haha Unti unti nakakabalik na sya sa dati.

"So I think this is settled, eh?"-king
"Yes, we're going to the Lavander Island"-frost

—————

Nakasakay na kami sa Chariot na hinihila ng dalawang Griffin at papunta sa Lavander Island, kasama rin namin and dalawang Mythical Guardian na si Phire at Blue. Speaking of Blue, mukhang ayaw talaga syang ipahawak ni Frost kahit kanino, naghihimutok na nga si Sky sa tabi ni Frost eh. Haha. Magkakatabi kasi silang tatlo ni Johanne, bali ang upo nila ay Sky - Frost - Johanne at Axel - Ako - Jeanne sa tapat nila

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon