Chapter 27

116K 4.7K 218
                                    


"I'm Trixie, nice to see you again ate Flame. Long time no see" she said then smirk

Shit! God knows how I miss her. Anong nangyari sa kanya? Bakit sya pumanig sa Underworld? Bakit sa kanila pa? Bakit sa mga kalaban pa namin?

"You know her Flame?"-axel

"Ugh nakakalungkot naman, hindi mo manlang ako naikwento sa mga new friends mo samantalang ako ikaw ang lagi kong bukang bibig sa kanila. Nakakatampo" she said with a pout

"Yuck" comment ni Jeanne kay Trixie
"The fuck. Just tell us who the hell are you!" Galit na sabi ni Frost

"Why don't you ask ate Flame? I'm sure you'll like our story"-trixie

"T-Trixie... Galit ka pa rin ba sa akin? S-sorry, hindi ko iyon s-sinasadya. A-alam mong hindi ko iyon magagawa" nauutal na sabi ko

"What the heck Flame! Galit? Hah! Galit is an understatement! Hindi lang ako basta galit sayo... Kinasusuklaman kita Flame"-Trixie

Kinasusuklaman kita... Dalawang salitang naghatid ng labis na sakit sa puso ko

"P-pero Trixie... ganon nalang ba yon? Simula pagkabata magkasama na tayo. Ganon mo nalang ba kadaling itatapon iyon? Trixie patawarin mo na ako" pagmamakaawa ko

"Dahil LANG doon? Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko dahil LANG doon?! Alam mo ba kung gaano akong nasaktan ng dahil LANG doon? LinaLANG mo yon? Hah?!" Galit na sigaw nya

Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya. Kasalanan ko, kasalanan ko talaga.

"Sandali, ano ba talagang nangyayari? Ano ba yang pinagtatalunan nyo?" Naguguluhang tanong ni Johanne

"Gusto mo bang ako na ang magkwento sa kanila?" Tanong ni Trixie nang kumalma na sya

"Sabihin mo nalang okay? Dami mo pang satsat eh"-jeanne

Gusto ko syang pigilan, gustong sgusto ko syang pigilan na ikwento sa kanila ang nangyari pero di ko magawang magsalita. Para bang umurong na ang dila ko.

"Few months ago there live a perfect happy family, but it was suddenly destroyed. Pinatay ang mag asawa matapos ay sinunog ang bahay nila, at ang may gawa? Walang iba kundi ang babae na kinupkop, pinakain at pinatira nila sa bahay nila. Napaka walang utang na loob nya diba? Matapos syang alagaan ng mag asawa ay pinatay nya pa ang mga ito"-trixie

Napayuko ako matapos nyang magkwento. Wala syang alam, hindi nya nakita ang totoong nangyari ng gabing yon. Hindi nya nakitang muntik na akong pagsamantalahan ng papa nya, hindi nya nakita kung paano ako laitin ng mama nya. Hindi nya nakita lahat.

"At alam nyo ba kung anong nangyari doon sa anak ng mag asawang walang awang pinatay? Napunta sya sa pangangalaga ng ibang tao, ni hindi nya manlang napuntahan ang libing ng mga magulang nya. Halos mawalan na sya ng pag asa, mabuti nalang at may tumulong sa kanya"-trixie

Inakbayan sya ng kasama nya na si Bliz at ngumiti ito ng nakakaloko "And that's us"

Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto. Magagalit sila, sigurado akong magagalit sila Axel sa akin. Nakayuko parin ako hanggang ngayon. Ayokong iangat ang ulo ko dahil ayokong makita silang magalit sa akin. Ayoko. Masyadong masakit. Ngayon lang ako nakatagpo ng mga kaibigan at ayokong mawala ito, lalo na ang kapatid ko, ayokong magalit sya. Pero wala akong magagawa dahil totoo, kasalanan ko ito.

"Should I believe you?" Kalmadong sabi ni Frost kaya napatingin ako sa kanya, and like the usual. He's wearing his famous poker face

"Then why don't you ask Flame?"-trixie

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon