CHAPTER 13: Wherever you are

9.9K 321 64
                                    

Sorry kung ang tagal ng update, na barkada e. ^_^ Enjoy reading guys!

VOTE.COMMENT kayo na pong bahala :))

---

CHAPTER 13: Wherever you are

MEA

Maaga akong pumasok ngayon, dahil may napag usapan kami ni Sly na uuwi muna ako sa bahay dahil gusto akong makita ng daddy ko. Pero panigurado naman na hindi si Daddy yung gustong kumausap sa akin, si Ate.

''Don't worry Mea, akong bahala sayo. I got you.'' mahinahong sabi niya sa akin habang hawak hawak niya ang kamay ko. Nung bumukas na yung gate ng bahay namin, hindi ko maiwasang kabahan. At mapalingon kay Sly.

Iilang araw na rin akong hindi umuuwi ng bahay. Kaya parang nakakapanibago. Pagkapasok namin sa bahay namin, laking gulat ko ng makita ko si Trixie at kasama niya si Ate..

''Anong nababalitaan kong inagaw mo raw boyfriend ng best friend ko?'' galit na tanong sa akin ni Ate. Kailan pa sila naging mag bestfriend??

''Kahit kailan talaga useless ka! Hindi mo ginagamit utak mo.'' lumapit ito sa akin, at binatuk-batukan ako.

''Tumigil ka na nga sa panlalait mo sa kapatid mo! Pag di ka nag tigil, papatulan kita!'' pagpapatigil ni Sly kay Ate.

''See, I told you. Ang dami niyang na uto.'' saad pa ni Trixie na nooy nasa isang tabi, at tuwang tuwa sa panlalait sa akin ni Ate.

''Pag di ka tumigil babangasin kita!'' pagtatanggol sa akin ni Sly.

''Ano bang problema kung sila ni Darth? Kasalanan ba niya kung gusto niya si Mea?'' pag dedepensa ulit ni Sly sa akin.

''Oo kasalanan niya, kase malandi yan. Wala pa nga kaming 1month hiniwalayan niya na ako, kase yan e! Aligid ng aligid!'' sabay tulak ng mahina sa akin ni Trixie.

''Kung gusto mong matigil ng lahat nang ito Mea, itigil mo yang pakikipag kita mo kay Darth.''

''Pero ate..''

''Diba Mea mabait ka? Susundin mo lahat ng gusto ko? Pag hindi ka sumunod, sisiraan kita sa mga kaibigan mo sa L.A! Malinaw?'' pagkatapos nun tinalikuran na ako nina Ate at Trixie.

''Mea, bakit hindi mo depensahan yang sarili mo?! Bakit gustong gusto mong sinasaktan ka ng ate mo! Lumaban kana man kahit minsan.''

''Sly, intindihin mo nalang si Ate. Susunod nalang ako sa gusto niya, baka mamaya may gagawin siyang hindi maganda kay Darth.

''Hanggang kailan kaba mag susunod-sunuran sa ate at daddy mo? Tao ka Mea, hindi robot.'' ngumiti nalang ako kay Sly.

''Okay lang 'to. Gagawin ko to hanggang sa mapatawad na nila ako.'''

“Kahit kapalit yung kasayahan mo?”

“Tiytiisin ko nalang.” Sabay lakad ko papalayo sakanya. Magiging okay rin naman ang lahat diba?? Masasanay din ako..

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon