CHAPTER TWENTY FOUR

59.2K 872 96
                                    

Few months later...

Nagising si Summer nang maramdaman niyang parang may nakapalibot sa katawan niya. Medyo matigas ito, at parang nakayakap sa kanya. Ano nanaman 'to? Tanong niya sa isip niya.

Idinilat niya ang mga mata niya at bumangon para tignan kung ano 'yun, "Clyde! Ano nanaman ginagawa mo dito?!"

"Hmm...ano ba naman 'yan babe, umagang umaga ang ingay kaagad ng kutsara," at nung sinabi niya yung word na kutsara, si Summer ang tinutukoy niya dun. Tsaka babe? Seryoso ano ba talagaang tawagan nila sa isa't-isa?

"Bumangon ka nga dyan!" Pero imbis na sundin niya ang inutos ni Summer, hinila pa ni Clyde si Summer papahiga, at niyakap ito lalo. At dahil wala naman kakagising lang ni Summer, nawalan kaagad siya ng control sa sarili niya, at napahiga rin siya.

"H-Hoy, Clyde!"

Hindi na makapagpumiglas masyado si Summer dahil mas niyakap siya ni Clyde, para hindi na makagalaw.

"Ganito muna tayo kahit saglit lang sweety..." bulong ni Clyde.

"Ano ba talagang tawag mo sa'kin ha? Sabi mo dati ako yung Kutsara 'tas ikaw yung Tinidor! Pero kahapon tinawag mo akong sweetheart. Tapos nung isang araw baby naman tinawag mo sakin! Kanina naman Babe! Ngayon Sweety! Yung totoo, ano ba talaga?!"

"Basta akin ka. Tapos ang usapan." sagot niya habang nakapikit parin ang mata. Namula naman si Summer. Sheesh, umagang-umaga, ganito kaagad ang mga sinasabi sa kanya ni Mokong!

"Ang bilis mo naman kiligin." Biglang sabi ni Clyde.

Nanlaki naman ang mga mata ni Summer sa narinig niya. "Ano ba?! Gising ka ba o tulog?! Pumikit ka nga lang dyan! Kung ano-ano nanaman nakikita mo eh!"

Nagkaroon ulit ng konting katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Parehas silang ayaw magsalita, pero gustong kausap ang isa't-isa.

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Happy First Anniversary." Napangiti si Summer bigla. Oo nga pala, 25 ngayon. Ang bilis ng araw. One year na kaagad sila. Muntik na nga makalimutan ni Summer eh, pero si Clyde, naalala niya pa rin.

Ang galing nga noh? Sinong mag-aakalang aabot pa sila ng one year? At sino ring nag-akala na kakayanin ni Summer na makipagsapalaran sa ugali ng mokong na 'to ng isang taon? Kahit pala ano pa ring mangyari, dito sa lalaking to pa rin ang bagsak niya.

Pero sa totoo lang, ang weird ng nararamdaman ni Summer eh. First time niya lang na maranasan yung ganitong pakiramdam. Yung, bago ka matulog, siya yung iisipin mo. Yung bawat araw, gusto mong nakakausap mo siya. Kapag makita mo siyang nakangiti, kumpleto na kaagad yung araw mo. Minsan nga kahit tumatae pa siya, si Clyde pa rin yung nasa isip niya eh.

Ang hirap rin kasing hindi mahalin ang nilalang na 'to eh. Araw-araw, lagi ka niyang papasiyahin. Lagi niyang ipaparamdam sa'yo kung gaano ka ka-importante sa kanya, lagi ka niyang po-protektahan, basta lahat na yata ng bagay ay nasa kanya na! Lahat na nakay Clyde! Sugapa!

Legal na pala silang dalawa. Last Sembreak kasi, bumalik ulit si Summer sa probinsya nila para dalawin yung pamilya niya. Tapos ayun, sinama niya na rin si Clyde. Natuwa pa nga si Summer sa kanya kasi kahit masikip at mainit lang yung tinitirhan nila dun, nakisama pa rin siya. Dun pa rin siya natulog.

After 1 week naman, ayun. Nangako si Clyde na magpapagawa siya ng two-story house para sa kanila. Pwede na ring mag-trabaho yung parents ni Summer sa isang branch ng business nila na malapit lang din dun sa probinsya nila. Tapos may scholarship na rin yung walo niyang kapatid. Ibang klase talaga pag mayaman no?

Sa totoo lang, nahihiya na si Summer sa kanya. Feeling niya kasi, baka iniisip ni Clyde na pineperahan lang siya ni Summer. Pero hindi naman, si Clyde na kasi mismo ang nag-insist.

Ay! Kaya pala nakapasok si Clyde dito, ay dahil pina-duplicate niya ang susi ng condo ni Summer. Wala eh, gusto niyang manggambala.

"Summer."

"Hmm?"

"I love you." Kahit kailan talaga, alam ni Clyde ang dapat niyang gawin para pakiligin si Summer, kahit sa mga simpleng bagay lang.

"Clyde"

"Hmm?"

"Bakit ako?"

"What do you mean?"

"Ang daming mga babaeng nagkakandarapa sa'yo dyan. Pero bakit ako yung pinili mo?"

Hindi muna siya sumagot dahil parang pinag-iisipan niya rin yung sasabihin niya."Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ikaw yung napili ko eh," sagot niya. "Pero isa lang yung wish ko Summer."

"Ano 'yun?"

Nakapikit pa rin na sumagot si Clyde. Tulog-tulugan pa rin kasi eh. "Wag kang magbabago."

"Eh?" Anong tingin ni Clyde sa kanya? Aswang na bigla-bigla nalang nagbabago? Tao sa umaga, manananggal sa gabi?

"Gusto ko, kung sino yung Summer na nakilala ko sa may gilid ng Bus Terminal isang taon na yung nakalipas, ay si Summer pa rin na makakasama ko sa mahabang panahon."

"Oo na, oo na."

Wala. Anniversary nila ngayon pero parang wala lang. Nothing special nga sabi ng iba. Simple lang. Walang surprises, walang flowers, walang stuff toys. Pero okay na sila ng ganito. Ang importante lang naman sa Anniversary ay yung kasama mo yung taong mahal mo diba? Kahit kayakap niya lang siy Clyde ngayon, masaya na siya.

"Pero Summer..."

"Ano?" Ano nanaman kayang sasabihin ni Clyde? Magpapakilig nanaman ba siya ulit? OMG, hinahanda na po ni Summer ang sarili niya.

"Mag-toothbrush ka muna. Ang baho ng hininga mo." Awtsu, ayan kasi, assumera! Ang hard ni Clyde, uy! Panira ng moment!

Tinulak siya ni Summer pabagsak sa kama, "UMALIS KA NA NGA DITO!"

"Oy teka Loves! Wag ka naman magalit," lumapit siya at niyakap nanaman si Summer. "Mahal pa rin naman kita eh." at hinalikan siya nito sa pisngi.

Hay nako, ang landi-landi talaga ng mokong na 'to. Pero okay lang, mahal ko pa rin naman eh. Sagot ni Summer sa isipan niya.


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon