Chapter 20: Enter and You'll Die

210K 6.6K 757
                                    

XYRA

Saturday night. Cyril healed me yesterday. Buti na lang nakita ako ni Xander sa room kaya natawag niya agad si Cyril. My internal organs were damaged. Kung hindi ako nagamot ni Cyril tiyak na pinaglalamayan na ako ngayon. Hindi ko ipinaalam sa kanila ang pinag-usapan namin ni Selene.

Konti lang ang mga estudyante ngayon dahil nagsi-uwian na ang iba. Naka-white dress ako na hanggang tuhod at suot ko ang aking doll shoes. Habang naglalakad sa hallway, kinakabahan ako. Kanina pang sumusunod si Baby Xyra kahit sabihan kong bumalik na ito sa dorm. Naaasar na ako sa kakulitan nito. Hindi ito pwedeng sumama dahil mapapahamak ito.

"Bumalik ka na sa dorm," wika ko sa matigas na tono. Kinabahan ito sa itsura ko. Nagtitigan kami. Malungkot na lumipad ito pabalik sa dorm. Gusto kong mag-sorry pero saka na lang kapag nakalabas ako ng buhay sa forest.

Nakita ko si Selene. Nakahalukipkip siyang tumingin sa 'kin.

"Buti marunong kang tumupad sa usapan. Huwag kang mag-alala, kapag nakalabas ka ng buhay, titigilan na kita," she smirked.

"Siguraduhin mong titigilan mo na ako pagkatapos nito," seryosong wika ko.

"Iyon ay kung makakalabas ka pa ng buhay," she grinned, devilishly. Hindi pa iyon ang magiging libingan ko. Kailangan ko pang iligtas ang dad ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay.

"I gotta go. Excuse me," wika ko.

"Goodluck. And by the way, stay there for five hours. Saka ka lang pwedeng lumabas kapag nakatagal ka ng limang oras sa loob," she said. Napailing ako. Naramdaman ko na sumunod siya sa 'kin. Sinisigurado niya na papasok talaga ako.

~~~

Napalunok ako habang nakatingin sa entrance ng forest. Nagdasal ako. Sana walang multo o nakakatakot na nilalang sa loob ng kagubatan.

Pagpasok ko sa entrance ay may naramdaman na akong kakaiba. Tila ibang dimensiyon ang pinasukan ko. May naririnig akong alulong hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa gubat. Sinubukan kong humakbang palabas. May naramdaman na naman akong kakaiba. Napagtanto kong may invisible barrier pala na bumabakod sa buong forest. Wala na akong naririnig na alulong mula sa labas ng barrier.

Bakit hindi ako naaapektuhan? Para saan ang barrier? Para ikulong ang masasamang elemento? Kinikilabutan na ako sa naiisip. Itutuloy ko pa ba?

"Scared already?" Selene smirked. Malayo siya sa kinaroroonan ko habang nakaupo sa isang tabi. Hindi ko siya pinansin. I slowly entered the barrier. Pagpasok pa lang, nakakatakot na mga alulong na ang narinig ko. Iba't-ibang huni ng ibon ang narinig ko. Pagtingin ko sa itaas, isang grupo ng mga uwak ang nakatingin sa 'kin. Kung nasa labas ako ng barrier, tiyak na hindi ko sila makikita. Nanlilisik ang mga matang bumulusok sila pababa sa direksiyon ko. Tumakbo ako para umiwas.

May ilang tumama sa barrier. Nasaktan sila nang lumapat doon. Ito siguro ang dahilan kung bakit naglagay ng barrier. Tumigil ako sa pagtakbo. Gumawa ako ng pana at sibat gamit ang hangin. I shot each one of them. Marami sila kaya nagpakawala ako ng mga air spikes. Pinatamaan ko sila hanggang maubos at bumagsak sa lupa.

Kailangan kong mabuhay kaya kailangan kong lumaban. Pumasok ako nang tuluyan sa gubat. May kadiliman ang paligid. Ang tanging nagbibigay liwanag sa buong kagubatan ay ang mapanglaw na liwanag mula sa bilog na buwan. Nakakatakot tingnan ang mga puno.

Kakaiba ang itsura nila. Normal silang tingnan sa labas pero ngayon, tila may buhay sila at nanonood sa bawat galaw ko. Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan dahil tila nag-uusap sila.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon