Baby (part 3)

3K 107 15
                                    

Dahil sa narinig mula sa anak, tuluyan nang naiyak si Vice. Nilapitan naman sya ni Joseph at niyakap ng mahigpit.
JOSEPH: Daddy Ninong, Wag ka na umiyak. Bakla ka ba?
VICE: Oo! Bakit, may angal ka?
JOSEPH: (chuckles) Wala. Love na love kaya kita!
VICE: Love you too, anak!

Nagpalakpakan ang mga tao sa venue. Ang ilan ay naluha rin sa nasaksihang eksena ng mag-ama.

Makalipas ang ilang oras, natapos na ang party. Si Yael ay nagpaalam na rin dahil may gig pa ang kanilang banda sa Davao. Naiwan na lamang sa venue ang ilan sa Showtime family at si Joseph.
TEDDY: Grabe kayo! 21 years, akala namin anak talaga nila Yael at Karylle tong inaanak ko.
JUGS: Yun pala, may totoong ViceRylle baby.
VICE: At talagang pinupush mo pa rin ang ViceRylle ngayon, Jugs ha? (chuckles) Ang tanda tanda na namin.
JUGS: Syempre naman! Kahit matanda na kayo, di pa rin nawawala yung chemistry nyo.
ANNE: Ano kayang masasabi ng mga ViceRylle fans kapag nalaman nilang itong anak ng Binibining Kurba nila ay anak din pala ni Vice Pogi?
VHONG: Nako! Magwawala yung mga yun.
KARYLLE: Ahm, can I borrow Vice for a while?
VHONG: Hoy wag nyo nang sundan si Joseph! Bente-uno na yung anak nyo. Kung susundan nyo dapat dati pa!
VICE: Baliw! Pero K, kung bet mo din, pwede pa na--- Aray!
KARYLLE: Hindi na pwede, Viceral! Kakausapin lang kita.
VICE: Okay. Una na muna ako guys.

Nagpunta sila Vice at Karylle sa terrace ng venue. Natatanaw nila ang kanilang anak na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito.
VICE: Anong pag-uusapan natin?
KARYLLE: A few months ago, narinig ni Joseph yung pinag-uusapan nating tatlo. Kanina nakausap ko sya and he has a request.
VICE: Ano yun?
KARYLLE: Gusto nyang malaman kung paano nangyari.
VICE: I-nanarrate natin yung ginawa natin? Karylle naman! May mga bagay na sating dalawa nalang.
KARYLLE: Hindi yun! Vice naman eh!
VICE: Joke lang!
KARYLLE: Gusto nyang malaman and I guess its better if tayong dalawa ang makakausap nya. Tayo naman ang parents nya.
VICE: Sige. Kailan tayo mag-uusap?
KARYLLE: Tomorrow sana. Are you free ba?
VICE: Yup, Im free. See you tomorrow then.
KARYLLE: Sige. Ahm, we should go ahead.
VICE: Ihahatid na kita. Okay lang?
KARYLLE: Wag na. Sasabay nalang ako kay Joseph.
VICE: K, please? Just like the old times
KARYLLE: Okay. For old times sake.

Bumaba na ang dalawa. Pasakay na sana sila sa Hummer ni Vice nang makapa nya ang susi sa kanyang bulsa. Nagpaalam muna sya saglit kay Karylle na may ibibigay pa sya kay Joseph.
VICE: Joseph.
JOSEPH: Yes, daddy ninong?
VICE: I forgot to give you this. (shows key) Happy birthday anak! (gives key)
JOSEPH: Susi to ng? (looks at the keychain) MASERATI?!
VICE: Nakapark yan doon sa harap. See for yourself. (smiles)
JOSEPH: Thanks Dad! Youre really the best! (hugs Vice)
VICE: Youre always welcome.

Umalis na muli si Vice at pinuntahan na si Karylle sa Hummer. Nagmaneho na sya papunta sa bahay nila. Pagdating sa gate, nakita nilang nandoon na si Joseph.
KARYLLE: Joseph, anak, what are you doing here? I thought doon ka sa condo mo.
JOSEPH: You know what? Ang cute nyo palang tignan together. Bagay kayo.
VICE: Huy! Joseph Ybrahim, manahimik ka!
JOSEPH: Hala! Deny pa, daddy ninong, deny pa. (looks at K) Ay grabe sya oh! Namumula. Kinikilig ka, mommy?
KARYLLE: Ewan ko sayo! Manang mana ka sa ama mo.
JOSEPH: (chuckles) Joke lang, Mommy.
KARYLLE: What are you doing here nga kasi? Sabi mo, doon ka sa condo mo uuwi.
JOSEPH: I have a request for you guys.
VICE: Ano yun?
JOSEPH: Can I sleep beside you guys?
KARYLLE: Ang tanda tanda mo na, tatabi ka pa sa'min?
VICE: Tsaka paano yun? Hahatiin mo katawan mo? Kalahati katabi ko, kalahati katabi ka ng mommy mo?
JOSEPH: No. Daddy Ninong, can you stay here? Sleepover lang.
VICE: Ewan. Tanungin mo ang mommy mo.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon