Chapter 20. [Autograph]

343K 7K 1.6K
                                    

20. Bryan

Nagpalakpakan yung mga tao after my performance. Nag-wave lang ako at nagpasalamat then bumalik na sa backstage. Autograph signing na ang kasunod. After a while, pumasok uli sa dressing room si Tita K.

"Bryan, autograph signing na. Labas ka na in 2 minutes."

Paglabas ko, ang daming nakapila. Overwhelming talaga ang pagtanggap sa akin ng mga Pinoy. I smiled at them and took a seat. Sign, shake hands, pa-picture, sign, shake hands, pa-picture. After thirty minutes, ang haba pa rin ng pila. Masakit na yung kamay ko kaka-sign at pagod na rin sa kakangiti, pero I've no choice. Parte ito ng trabaho. Sa part ng fans I know na mahirap din namang pumila at maghintay.

Kinausap ako saglit ni Tita K so tumalikod ako saglit. Pagharap ko, nagulat ako sa iniabot sa akin nung sumunod na magpapa-sign. Hindi CD kundi papel.

HOY, BRYAN LIM! TALKSHIT KA!

Nag-angat ako ng tingin. Si Dee! I can't even describe how she looks. Ang alam ko lang, she's mad at me.

"Magpapa-autograph ka rin ba, Miss?"

"Nasaan yung CD?" I said, grinning.

"Hoy, Mr. Lim, in case you forgot, may usapan tayo ngayon. Kung hindi ka makakasipot, sana nagtext ka man lang, di ba?"

"Sorry, I didn't know na may naka-schedule na mall show. Tapos drained ang battery ng phone ko."

"Hindi ka man lang gumawa ng paraan?" "I'm busy, can't you see?"

Binatukan ba naman ako! Damn, nakakahiya! Ang dami tuloy nakapansin kay Dee. Lagot!

"Lagot ka sa fans ko!" pananakot ko sa kanya. Nilingon niya yung ibang nakapila. Yung iba nagrereklamo na kasi ang tagal na niya akong kausap.

"Sige na, nakakaabala na yata ako! Sana lang next time tumutupad ka sa usapan!" Saka siya mabilis na umalis.

Ano ba 'to, na-guilty naman ako dun!

Hinabol ko siya ng tingin, hindi pa nakakalayo. Kinuha ko yung mic sa table.

"I'm sorry, Daniella Alvarez. Meet me tomorrow. I'll text you kung saan. Wag ka nang magalit, please? Tomorrow, I'm all yours."

Ang daming nagtilian.

Ano ka ngayon, Dee? Hanep ang moves ko, no?

Tumingin naman siya sa akin. Tapos pinakyuhan niya ako.

What the hell!

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon