Chapter 20

9.5K 283 12
                                    

Sobrang tuwa ng pamilya namin ng malaman nilang buhay pa pala ako. Hindi na namin sinabi na si Rust ang may gawa nun. Instead I told them that he helped me. Totoo naman.

Invited din sila nung kasal namin. Natawa pa nga ako dahil may pumasok na maid sa kanya. Na ha-high blood sya. Yun nga lang di nya daw masesante dahil gusto daw ni Enrico.

About naman sa wedding, naging malaking pasabog iyon sa media.

Of course, naging bestman namin si Winter.

Halos maiyak nga ang parents ko dahil after five years, ikakasal daw agad ako kay Rhyne. Paano ba naman, ayaw na paligoy pa!

"I love you Mrs. Collins." bulong sakin ni Rhyne.

"I love you too, Mr. Collins."

With that, we kiss each other.

Pero di rin tumagal dahil bigla akong hinatak ng kung sino. Si Kuya Calleb! Binuhat nya ako na parang sako at saka inikot-ikot!

"Shit! Put her down, Kuya! -- Damn it, baka mahulog mo sya, ingatan mo naman!" sigaw ni Rhyne.

"Kyaaaa!" sigaw ko sa tuwa!

"Welcome to the family! Sabi nga nga ba, magiging sister-in-law kita!" sigaw pa nito.

Tinawanan lang kami ng mga nakakakita sa amin. Pero mas katawa-tawa si Rhyne na kulay pula na sa inis sa kuya nya. I never thought I could be this happy.

--

Galing akong doctor. This past weeks, medyo di maganda ang pakitamdam ko. Masaya akong umuwi. Pero nag text si Rhyne na dumeretso daw ako sa bahay ng parents nya. Oo nga pala, anniversary nila Mom!

Gaya ng sabi nya naruon pumunta ako. Nagulat pa ako ng makitang naruon na sya. Alam ko ay may mall tour sila ngayon!

"Hi sweety. Surprise to see me?" naka ngising sabi nya. Tumango ako saka sya hinalikan sa pisngi.

Nag simula ang party. Andun yung mga in-laws ng Collins. Syempre andun din ang Gallatea at iba pang bisita. Nagkaka tuwaan pa kami at nag ku-kwentuhan ng tumayo sa harapan si Dad, daddy ni Rhyne.

"Good evening everyone. Actually, gusto ko sanang engrande ang party na ito pero ayaw ng pinaka mamahal kong asawa. Gusto ko lang isabay dito na masaya ako.. Dahil masaya ang pamilya ko. We are all healthy. Yung mga anak ko, nabigyan na ako ng mga anak na babae na sobrang pinag mamalaki ko.."

Na-touch naman kami sa sinabi ni Dad.

"Sana mga anak, pag ingatan nyo ang mga kabyak nyo. Para tumagal kayo kagaya ng samin ng Mommy nyo! Haha!" sabi ni Dad.

Inangat nya yung glass of wine nya. Lahat naman ay nakipag-cheers. Bukod sa akin. Napansin yata iyon ni Rhyne kaya bumulong sya sakin.

"Is there something wrong?"

"Wala naman. May gusto sana akong sabihin.. Pero mamaya nalang pag dating sa bahay." sabi ko.

"Anung gusto mong sabihin hija?" Mommy!

"Mom!" saway ni Rhyne sa Mommy nya.

"It's okay Rhyne.. Actually Mom.. --"

"Everyone may sasabihin daw si Shon!" sigaw pa nito. Namula naman ako sa hiya.

Tinignan nila akong lahat. Si Rhyne nga naka kunot yung noo habang naka tingin sakin. Naka yuko lang ako habang sinasabi iyon..

"I'm two months pregnant.."

Biglang tumahimik yung paligid.

Nakita kong naka tulala si Rhyne. Si Winter naman umaapaw na yung wine glass nya na nilalagyan ni Kuya Calleb.

Si Kuya Shane naman ayun, natatarantang pinump ni Kino yung sikmura. Nabulunan ata!

At si Rust. Ayun naka nganga with Summer.

..

.

"WHOOOAH! MAGIGING DADDY NA AKOOOO!!!"

Sigaw ni Rhyne na bumasag sa katahimikan.





My Lovely Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon