CHAPTER TWENTY FIVE

59.9K 860 76
                                    

"Sunog yung nuggets mo!" reklamo ni Clyde nang kumain na sila ng almusal kasama si Summer.

"Arte mo! Nagpapaluto ka na nga lang eh!"

"Eh mas okay nang ngayon ko 'to sinasabi kesa naman pati yung mga anak natin magdusa dito sa mga niluluto mo."

Binatukan siya ni Summer. Ay nako, walang katapusang pagbatok naman oh! "At sa tingin mo talagang magkaka-anak tayo?" Hindi pa nga kasal, tapos yun na kaagad ang sinasabi?

"Wag ka nga! Di'ba ikaw pa yung nagsabi dating hindi tayo aabot sa Anniversary? Eh tignan mo ngayon? Think positive ka kasi, Kutsara."

"Ewan ko sayong bakla ka." Think positive mo mukha mo. Sagot ni Summer sa isip niya.

Pagkatapos nilang mag-away (or lambingan) at kumain, nakapag-decide silang lumabas muna a mag-picnic. May alam kasi si Clyde na park na maganda at malawak kaya dun nila balak na pumunta ngayon.

Pero syempre dahil picnic yun, syempre kailangan, si Summer ang magluluto ng baon nila kaya walang magagawa si Clyde kundi ang pagtiisan yung mga luto ni Summer. #evilgrin

Pero masarap naman akong magluto eh! Si Clyde lang naman yung nag-iinarte!

"Tss, ako na nga gagawa ng iba, i-ready mo nalang dun yung mga dadalhin natin." Offer ni Clyde.

"Ako na! Ikaw nalang yung mag-ready dun."

"Ako na, mas masarap akong magluto kesa sayo," sabi niya. "Tsaka para na rin kahit papaano eh may matinong pagkain tayong makakain." Nako, nagsalita ang spoiled brat na hindi marunong maghugas ng plato! Paano kaya natuto 'yun magluto?

At dahil nga spoiled brat si Clyde, ayun, hindi siya magpapatalo kay Summer syempre. Sa huli, si Summer na nga lang ang naghanda ng mga gamit na dadalhin nila. Magiging memorable 'tong araw na 'to!

Pagkatapos ng dalawang oras ay nakarating na rin sina Summer at Clyde sa park. Maganda ang paligid, malawak, puro green (kaya refreshing sa mata), at mahangin. At dahil hapon na, ang unang ginawa nila Clyde ay nag-bike, sulitin na muna kasi ang panahon kung kailan mahangin pa! Tsaka, gusto rin kasi nilang libutin ang paligid. Tama nga si Summer, malaki at maganda talaga dito.

"Wee!" Sobrang saya nila Summer habang nag-bike, para silang mga bata.

"Sabihin mo sa'kin pag pagod ka na, ha? Para magpapahinga muna tayo." sabi ni Clyde.

"Ha? Ako? Pagod? Di pa! Ang saya nga eh!"

"Ganun ba? Eh ako kasi pagod na eh." Natawa naman si Summer. Sabi na nga ba eh. Huminto si Summer sa pagbibisekleta, at tumingin kay Clyde.

"Sige kain muna tayo dun, tara."

Pagkatapos nun, bumalik ulit sila sa kung saan sila nanggaling (hindi dun sa condo ni Summer ha), sa sasakyan, para kunin yung mga baskets at naglatag din sila ng blanket sa damuhan para dun nalang kumain.

Nung tapos na silang kumain, sinubukan naman naman nilang mag-fishing, may dagat kasi dun eh. At syempre, mas maraming nahuli si Summer kesa kay Clyde. Sanay si Summer sa mga ganitong bagay eh. Pero hindi na nila kinain o niluto ang mga nahuli nila, ibinalik nalang nila ito sa dagat, kawawa naman kasi.

At nung pansin nilang medyo bumababa na ang araw, napagdesisyunan nilang maglakad-lakad nalang muna. Syempre para rin ma-excercise yung mga taba nila no. Tsaka masarap talagang maglakad-lakad ngayon, hindi masyadong madilim, hindi naman masyadong maaraw. Katamtaman lang. Idagdag mo pa yung malamig na hangin, perfect na.

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon