Kabanata 65

689K 16.4K 4.9K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 65 

"Okay, pack-up na!" sigaw nung director ng music video na ginagawa ni Shiloah. Mabuti na lang at 10pm pa lang. Ayoko talaga na napupuyat. Nung isang araw ay finally nakapunta na ako sa OB. Pinagalitan niya ako nung tinanong niya ako kung anong oras ako natutulog. Sinabi ko kasi sa kanya iyong totoo dahil ayokong magsinungaling lalo na at kalusugan ng baby ang nakasalalay.

Inayos ko na iyong mga gamit. Pinipigilan ko na maghikab at ipahalata na inaantok na ako dahil baka makahalata na sina Marga. At saka ayoko namang maging pabigat sa team kung palagi na lang akong uuwi ng maaga. Baka sabihin nila mayroon akong special treatment.

At isa pa, sandali na lang naman at matatapos na ako sa practicum. Babalik na ako sa school para sa ilang seminars tapos graduation na. Kailangan ko pang kausapin si Dean para sa situation ni Shiloah kung paano ang mangyayari. Sobrang busy niya na talaga kasi ngayon kaya pakiramdam ko ay malabo na maka-attend din siya sa seminars.

"Tara?"

"Ha?"

"Monday bukas," he said. I blinked twice. "Nakalimutan mo?"

Tinignan ko siya ng mabuti. Bigla kong naalala na sinabi ko nga pala sa kanya na magkasama kami buong Monday. Sobrang ginulo niya kasi ako nung Saturday. Dahil hindi available si Mari, si Quin ang nakasama ko. Pero kahit na nasa Batangas si Shiloah para sa shoot ng music video niya, pakiramdam ko kasama ko pa rin siya dahil kada oras ay nagtetext siya. Palihim ko lang na sinasagot iyong text niya dahil kasama ko si Quin. Naalala ko kasi na ang weird ni Quin pagdating sa amin ni Shiloah.

Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na kami na ni Shiloah, e.

Biglang nalungkot iyong mukha ni Shiloah nung umarte ako na wala akong alam sa sinasabi niya. Ang cute niya dahil mukha siyang bata na inagawan ng candy.

"May sinabi ba ako?"

Umiling siya.

"Wala," he said. "Sige, uwi ka na. Mukhang pagod ka na."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko na matawa sa kanya dahil para siyang bata. Bakit kasi hindi niya na lang sabihin sa akin na may plano kaming dalawa? He really doesn't like insisting. Pakiramdam ko talaga prinsesa ako kapag magkasama kami dahil palaging ako ang nasusunod. Totoo nga iyong sinabi niya na kung saan ako masaya, doon siya.

He was starting to walk out when I held his arm.

"Galit ka?"

He shook his head. I beamed.

"Niloloko lang kita. Naalala ko naman na may plano tayo," I confessed and I saw him heaving a breath of relief. Naglakad na kaming sabay and I playfully bumped his shoulder against mine. "Magsabi ka kasi kapag may gusto ka. Ayoko na ako lang palagi ang nasusunod, okay?"

He looked at me.

"Talaga?"

I nodded.

"Dalawa tayo sa relationship, 'di ba? Kapag may gusto ka, sabihin mo lang."

"Sigurado ka?"

Tumango ulit ako. Ang kulit talaga nito. Tumingin siya sa paligid namin kaya naman napatingin din ako. Wala ng tao sa hallway palabas maliban sa amin. Hindi ko alam kung nauna na ba sa van sina Marga o kung naiwan pa ba sila sa loob ng studio.

"Gusto ko ng kiss. Pwede?"

Bigla akong natawa sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Bakit kailangan mo pang magtanong?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon