Chapter 26 (August 07, 2011)

1.1M 13.6K 3.3K
                                    

DATE POSTED: August 07, 2011


Chapter 26

Ito na ang pinaka-huling innexpect ni Harley sa buhay niya. He admits he sometimes fancies it at night. Maaring merong mga pagkakataong iniisip niya ang posibilidad na pwedeng mangyari yun, pero ngayong nagaganap na, hindi niya maintindihan ang sarili niya.

Inilayo niya si Phoebe.

"Isabelle what do you---"

Di na niya natapos ang sasabihihn niya. Punumpuno na kasi ng luha ang mukha ni Phoebe.

She's hurt... but why did she kiss me?

"Isabelle what's wrong?"

Hinawakan niya ang mukha nito at pinahid ang mga luhang nasa pisngi.

Mainit siya. Mataas ang lagnat niya.

"Can you really..." sabi ni Phoebe sa pagitan ng pag-iyak. "...make me happy?

"Darn it! Phoebe come back to your senses! Ang taas ng lagnat mo! Bakit ka kasi nagpaulan?!"

Niyakap siya ulit ni Phoebe habang umiiyak.

No.. no Harley! You can't take advantage. She's hurt and, she's sick and delirious.

Inakay niya si Phoebe papuntang sasakyan.

"Tahan na... I won't hurt you, okay??" bulong niya dito.

Pagtapos i-ayos ang seatbelt kay Phoebe, umalis na sila.

Di nila namalayang may paparazzi pala na nakasunod kay Harley kanina pa.

Dinala niya si Phoebe sa bahay nila. Naisip niya kasi na mas malayo pa kung sa hotel niya ito dadalhin at mas hassle. Basang basa ang damit ni Phoebe.

Hinubad niya ang jacket at ipinatong dito. Mukhang nakatulog na naman si Phoebe.

Nang makarating sa bahay niya, inihiga niya agad si Phoebe sa kwarto niya.

TSK! Sobrang init niya na! Ano ano to? Bakit ngayon ko lang napansin na may mga ibang sugat siya sa katawan? Nung Friday lang nahimatay siya, ano bang nangyayari?

Wala pa namang damit dito. Haist! T-shirt ko na nga lang.

Nahanap niya ang damit at akmang huhubaran niya si Phoebe.

Walang malisya Phoebe ah... Pshs. This is very awkward.

Pero hindi niya rin nakaya. Hindi nya magawa.

Tinawagan niya si Samantha.

"Hey Harley! Uy Sorry I gave your number to Kent how was the radio show? I'm driving right now"

"Sammy, punta ka naman sa bahay, please. I missed the radio show" seryoso si Harley

"Huh?!! What?!?!?! Akala ko nasa radio show ka na?"

"Sige na Sam! Please help me. Please lang"

"Hay naku!! Kaya ko din nga pala binigay kay Kent yung number mo dahil gyan sa "please" na yan" Sige na I'll be there in a few minutes buti na lang along the way ka lang tssss"

"Thanks, pakibilis huh."

"Okay"

Wait lang Isabelle...

Ilang sandali pa dumating na si Samantha.

"Ano ba yun? What help do you need? At kailangan mong ipaliwanag kung bakit umalis ka sa radio show!"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon