Tumakbo si girl at inagaw kay Joshua yung diary nya
"Leche ka masaya kana?!"
at hinabol si Boyfriend.
Girl: Uy! Beeeeyb! Inagaw nya kasi yung diary ko pero hindi totoo yung sinabi ko!
Boyfriend: Palagi nalang kayong ganyan, pwede mo namang layuan bat di mo magawa? Nageenjoy karin ata eh!
Girl: Lumalayo nga ako pero sya mismo yung buntot ng buntot sakin!
Boyfriend: Kung hindi kayo naghahabulan pag PE class, naglalandian kayo sa classroom nyo!
Girl: PE class? Ahh! Kinuha nya yung napkin ko non! Siraulo yun e!
Boyfriend: Tingnan mo pati napkin mo nahahawakan nya?!!
Girl: Napkin lang yun hindi naman gamit beyb.
Boyfriend: So, ok lang sayo!?
Girl: Hindi syempre! Hinabol ko nga diba? Sorry na.
Boyfriend: Please lang wag mo muna ako sundan naiirita ako sainyo.
At tumigil si girl sa kakasunod kay boyfriend at bumalik ng classroom.
Boy: What did I miss?
Tinulak nya si boy sa board at hinawakan ang magkabilang kamay nito.
Girl: Hindi mo ba talaga ako titigilan?!
Boy: Well..
Girl: Maghihiwalay kami ng dahil sayo!
Boy: Ang hina naman ng boyfriend mo. Konting kakompetensya hindi nya kaya?
Girl: Ano?
Boy: Manhid mo kase! Tingin mo ba kukulitin kita mula elementary tayo kung wala akong gusto sayo?
at bumitaw si boy sa pagkakahawak sakanya ni girl.
Boy: Sabihin mo lang kung wala na kayo, liligawan agad kita.
Nagsigawan ang mga classmate nila, yung iba naghahampasan na sobrang kilig nila kila Kimberly at Joshua.
--
Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤
BINABASA MO ANG
Gotta Have Her
Teen FictionAno nga bang kayang gawin ng isang tao pag gustong gusto ka nyang mapasakanya?