Gotta Have Her (4)

2.1K 64 1
                                    


Dumating si Kimberly ng maaga dahil balak nyang puntahan ni Keith sa classroom nila ng madaanan nya si Joshua.

"Goodmorning Kim myloves." diretso lang maglakad si Kimberly pero sinusundan parin sya ni Joshua.

"Joshua, shut up and leave me alone or I will kick your ass."

"Oooh, I'm scared."

"Pupuntahan ko si Keith, so please. Wag mo kong sundan, pag nakita ka na naman nya at kasama pa kita tuluyan na kong aayawan nun!"

"Edi maganda. Ayawan ka nya, at sakin ka mapupunta." tapos ngumingiting nakakaloko si Joshua sakanya.

"Taas mo ng confidence mo no? Grabe. Hindi ko mareach!"

"Syempre, mas gwapo ako sa boyfriend mo eh. Tingnan mo naman, ikaw pa kailangang maghabol sakanya. Pabebe sya masyado! Tuli na ba yun?"

Tumigil si Kimberly sa paglalakad ng makarating na sya sa classroom ni Keith at may kalandiang babae habang nakaakbay pa ito sa babae.

"Whoa." Nabigla din si Joshua sa nakita nya at hinila ang kamay ni Kimberly para ilayo sya sa nakikita nya.

"Ano ba bitawan mo ko!" Maluha luhang sabi ni Kimberly pero hindi sya binibitawan ni Joshua at hila hila parin sya ng makarating sila ng garden.

"Yan. Dyan ka umiyak, hindi yung parang teleserye itsura mo dun. Tarantado yang boyfriend mo. Upakan ko na ba? Sabihin mo lang."

Umupo si Kimberly sa bench at tuluyan ng umiyak. Biglang nakaramdam ng panggigigil si Joshua ng makita nyang umiiyak si Kimberly. Nanigas ang kamao nito at inabutan ng panyo si Kim.

"Punasan mo luha mo, babalikan kita dito."

Kinuha ni Kim yung panyong inabot sakanya ni Joshua at biglang namang umalis si Joshua.

"San ka pupunta?!"

"Ang babae hindi pinapaiyak, lalong lalo kana. May tuturuan lang ako ng leksyon. Dyan kalang babalikan kita."

"Josh wait!--"

Nakaalis na si Josh bago pa man sya mapigilan ni Kim.

--

Pagbalik ni Josh sa classroom ni Keith nakita nyang hinahalik halikan na nya yung babae at syempre gustong gusto naman nung babae. Pumasok si Joshua sa classroom at hinila yung kwelyo ni Keith at binato sya sa sahig.

"Yung girlfriend mo iyak ng iyak, samantalang ikaw lande ng lande!" At sinuntok nya si Keith sa pisngi.

"Nagpaubaya ako sayo tapos gagaguhin mo!" At sinuntok pa nya ulit sa kabilang pisngi. Lumapit ang mga classmate ni Keith na lalaki at nagtatangkang pigilan si Josh pero sinigawan sila nito.

"Tangina nyo wag kayong makialam!" At umisa na naman sya ng suntok sa mukha ni Keith. Nadudugo na ang ilong nito pero galit na galit parin si Joshua.

"Isang beses ko pang makitang umiiyak si Kim ng dahil sa walang kwentang lalaki gaya mo, sisigaraduhin kong pati nanay mo hindi ka makikilala!" At sinuntok pa nya ulit ng isang beses. Putok ang labi, maga ang kaliwang pisngi , pikit na ang isang mata at nagdudugo ang ilong. Ganun ang itsura ni Keith ng iwan sya ni Joshua na nakahilata sa sahig.

Bumalik sa garden si Josh at nakita si Kim na hindi na umiiyak pero nakatulala. Hinila nya ang kamay nito, at nakita ni Kim na may dugo ang kamao ni Josh

"Anong nangyari sa kamao mo?"

"Wala to. Halika na ihahatid na kita sa classroom."

Alam ni Kim kung bakit nagdudugo ang kamao ni Josh at kung bakit nanginginig ito habang hawak hawak sya. Ang hindi nya maintindihan ay kung bakit nagawang gawin yun ni Josh para sakanya samantalang wala syang ibang ginawa kundi itaboy sya.

--

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon