Gotta Have Her (7)

1.7K 57 1
                                    


The next day, kasarapan ng tulog ni Kim ng mapatingin sya sa alarm clock nya.

7:39am

"WAAH!!! MAMA HINDI MO KO GINISING!!!!"

Tumakbo na naman ang nanay nya pataas ng inakala nitong napano ang anak nya.

"Tong batang to nakakahiligan mo ng sigaw ng sigaw, walang duda anak nga kita hahaha!" Nagmamadaling kumuha ng toothbrush at tuwalya si Kim habang yung mama nya tumatawa pa.

"Ma naman, bat di nyo ginising? Late na ko!"

"Hating gabi kana kasi natapos magsulat kaya hinayaan na muna kitang matulog dyan. Osha ligo na tapos kumain ka bago umalis."

Naligo, nagayos ng gamit, nagayos ng sarili at bumaba sa hagdan. Sumubo ng isang kutsarang kanin at patakbo na sana sya palabas ng..

"Hep hep. Anong klaseng kain nyan isang kutsara lang?" Pigil sakanya ng mama nya.

"Maaa late na talaga ko. Mamaya kakain ako ng marami pramis! Labyu!" At nagflying kiss si Kim sa mama nya.

Pagdating nya sa room buti wala pang teacher. Umupo sya at tinabihan sya ni Josh.

"Late ka."

"Alam ko."

"Namiss mo yung isang subject."

"HA?! Akala ko pa naman naunahan ko si maam yun pala katatapos nya lang?!" Napatungo si Kim sa desk nya ng pindot pindutin sya ni Josh sa balikat.

"Uy. Bawal matulog dito." *Pindot* *Pindot*

"Hindi ako natutulog." Umayos ng upo si Kim at kinuha yung notes ni Joshua sa bag nya.

"Here. Kumpleto na yan, ok na ba kamay mo?" Sumuntok suntok si Josh sa hangin at tiningnan si Kim.

"Ayos na, ang galing ng nurse ko e." Sabay kindat nya kay Kim.

"Lande." Tumawa si Josh at naglabas ng notebook at binuklat nya yung pinakalikudan nito.

"Let's play a game." Hinarap ni Kim yung upuan nya kay Josh at nakinig sa instruction nito sa game.

"Anong game?"

"XOX. Kung sino manalo, Truth or dare tayo."

"Game. Ako muna."

Kim:
| | | |
| |x| |
| | | |

Josh:
| | | |
| |x| |
| | |o|

Kim:
| | | |
| |x|x|
| | |o|

Josh:
| | | |
|o|x|x|
| | |o|

Kim:
| x| | |
|o|x|x|
| | |o|

Josh:
|x| | |
|o|x|x|
| |o|o|

Kim:
|x|x| |
|o|x|x|
| |o|o|

Josh:
|x|x| |
|o|x|x|
|o|o|o|

"Hala! Madaya ka!" Sigaw ni Kim kay Josh.

"Grabe. Ang linaw linaw ng panalo ko eh. Game, truth or dare?"

"Truth, mamaya kung ano pagawa mo sakin e." Ngumiti si Josh at tinanong si Kim.

"Pag nanligaw ba ko, may pagasa ako?" Nagbigla si Kim sa tanong nya.

"Dare nalang pala."

"Wala ng bawian."

"Wala namang napagusapan ah!"

"O sige, I dare you to kiss me."

"Sige truth nalang."

"Tamo to, abnormal karin no?"

"Haha! Ok, um...slight."

"Anong slight? Yes or No lang. May pag-asa ako o wala?"

"Yegsfftd" Pabulong na sumagot si Kim.

"Ano?"

"Yes." Biglang ngumiti ng nakakaloko si Josh at tiningnan si Kim.

"Talaga?" Nagseryoso mukha ni Josh.

"Oh next na! next na!" Natawa si Josh at nagdrawing sya ulit ng table.

"Ako ulit una." Kinuha agad ni Kim ang ballpen at titira na.

"Sige baka sabihin mo dinadaya kita e."

Kim:
| | | |
| | | |
| | |x|

Josh:
| | | |
| | |o|
| | |x|

Kim:
| | | |
| | |o|
| |x|x|

Josh:
| | | |
| | |o|
|o|x|x|

Kim:
| |x| |
| | |o|
|o|x|x|

Josh:
| |x| |
|o| |o|
|o|x|x|

Kim:
|x|x| |
|o| |o|
|o|x|x|

"Hahaha! Yung totoo, pinapanalo mo talaga ako no?" at tumira si Josh.

|x |x| |
|o|o|o|
|o|x|x|

"I win. Again."

"Ako talaga dinadaya mo e." Sinasamaan na ng tingin ni Kim si Josh pero tumatawa lang sya.

"Mga babae talaga pag natatalo, sasabihin dinadaya sila. Haha"

"Pfft. Go na, truth ulit." Nagrolled eyes si Kim.

"Game. Anong gusto mo sa isang lalake?"

"Yung cute."

"Cute naman ako ah!" Tinaasan ng kilay ni Kim si Josh.

"Tsaka gusto ko mareno."

"HAHA sabi na ako lang talaga hinahanap hanap mo e, naliligaw kalang ng landas."

"Grabe. Nakalunok kanang electric fan? Ang hangin sobra!"

"Pero seriously, hindi kaba nagagwapuhan sakin? Tall, dark and handsome naman ako. Bonus pa nga kasi cute ako at mas gwapo ako kay John Lloyd." Pinokpok ng ballpen ni Kim si Josh sa ulo.

"Wow, talaga naman hiyang hiya daw sayo si Kuya John Lloyd!" Nagtawanan sila at dumating na ang teacher nila. Sa tabi na ni Kim umupo si Joshua at simula noon ay naging close na sila sa isa't isa.

--

How is it? Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon