Gotta Have Her (11)

1.3K 50 1
                                    


Nakailang museums at galleries na ang napuntahan ng mga estudyante at oras na ng lunch. Nagsibabaan ang mga estudyante ng makarating na sila ng Dynasty Chinese Restaurant.

"Uy Kim tara na lunch na." Inaalog alog ni Pao si Kimberly pero hindi ito kumikibo.

"Uyyy!" Tinanggal nya ang kumot na nakatalukbong sa ulo nito at naramdaman nyang nilalagnat ito.

"Hala sya! Gagang to nilagnat ka talaga ng dahil lang dun?!" Mapungay ang mata ni Kim at nagluluha ang mga mata nya. Hindi alam ni Pao kung sino tatawagin dahil nasa Restaurant na ang lahat pati mga teachers. Isang tao lang pumasok sa isip nya kaya pinuntahan nya agad si Joshua sa Restaurant.

"Josssh! Ang taas ng lagnat ni Kimberly!" Hinihingal na sabi ni Pao kay Joshua at agad naman tong tumayo at pinuntahan si Kim.

"Sige kumain kana dito Paoline, ako na bahala sakanya."

"Sure?" Tumungo si Joshua at bumalik sa bus.

Nagiisa nalang si Kim sa bus ng makita sya ni Joshua na balot na balot ng kumot. Kinapa nya ang noo nito at naramdaman nga nyang mataas ang lagnat nya.

"Kaya pala hindi ka bumababa nung nakailang destinasyon na tayo." Bumalik si Joshua sa restaurant at kinausap si Mrs. Campo kung may dala itong gamot dahil nilalagnat ni Kim. Inabutan naman agad ni Mrs. Campo ng gamot si Josh at nagpasalamat ito. Kumuha narin sya ng pagkain sa buffet at dinalahan nya si Kim ng makakain.

Pagbalik nya ng bus, inayos nya ng upo si Kim para pakainin bago nya painumin ng gamot.

"Oh subo na." Sinusubuan nya Kim pero hindi bumubuka bibig nito.

"Kakainin mo to o babalik ako kay Heather sa loob?" Pagkarinig ni Kim ng pangalan ni Heather, bumuka agad bibig nito at kinain yung sinusubo sakanya ni Joshua.

"Goodgirl." At hinawakan ni Josh ang ulo ni Kim. Parang bata lang.

Matapos nyang maubos ang pagkain, pinakainom na sya ng gamot ni Joshua.

"Lunukin mo agad para hindi mo malasahan. Mapait yan sige ka." Pagkalunok ni Kim ng gamot uminom sya agad ng tubig at tumingin kay Joshua.

"Sige na ok na ko bumalik kana dun."

"No can do." At nakita ni Kim na kinuha ni Joshua yung mga gamit nya sa likod at bumalik sa tabi nya.

"Anong ginagawa mo?"

"Dito ako uupo bakit?"

"Dyan nakaupo si Paoline, dun kana kay Heather tutal nageenjoy ka naman katabi sya diba? Papose pose kapa, ano ka bading? Bakit ka nakanguso magpicture? Ano ka si donald duck? Tapos pinapatulog mo pa si Heather sa balikat mo, mukhang wala ka ngang reklamo eh! Tapos hindi mo man lang ako pinapansin two weeks ago, bigla kang nanlamig sakin hindi mo na ko tinatabihan! Tinalo mo pa nga babaeng may dalaw sa sobra mong makadedma ng tao! So, no! Dun ka sa likod, dun ka kay Heather, magsama kayo!" Nakatingin lang si Joshua kay Kim habang sumisigaw na ito, nakakarindi kasi kaharap lang naman sya sumisigaw pa pero bigla syang ngumiti.

"Gusto mo kong umupo dito o hindi?" Nagpout si Kim at nagtalukbong ulit ng kumot.

"Sige babalik na k--"

"Stay."

"Ano ko aso? Sabihin mo ng maayos."

"I. Said. Stay."

"Tapos ano sunod? Bark? Roll over?" Nainis si Kim kaya bigla nyang inalis yung kumot na nakatalukbong sakanya at hinarap si Josh pero bigla syang hinalikan nito.

Nanlaki ang mga mata ni Kimberly at hindi nya maipaliwanag ang nangyayari. Hinahalikan sya ni Josh. Sa lips. With TONGUE. Tutugon na sana si Kimberly kasi bigla naman bumitaw si Joshua sa pagkakahalik sakanya.

"Wag kanang maingay at magselos dyan kundi hahalikan ulit kita para manahimik ka. At wag mo ko ipagtulakan kay Heather, ikaw ang gusto ko tapos ipinagtutulakan mo ko sa iba." At umupo si Joshua sa tabi nya.

"At kahit na hindi ka naman pumayag na dito ako umupo, uupo at uupo parin ako dito dahil may sakit ka at gusto kong ako ang magbabantay sayo. Now shut up and rest. Next destination na natin yung Resort, sayang binayad mo sa fieldtrip nato kung hindi mo maeenjoy yung main event." Naglagay ng earphone si Josh at nanahimik si Kim. Wala syang masabi, hindi pa sya makaget over sa halik sakanya kaya parang namamanhid ang buong katawan nya. She just found herself smiling everytime she remember their first kiss.

--

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon