Gotta Have Her (13)

1.3K 37 1
                                    


Makalipas ng dalawang oras na pagtatampisaw at paglalaro ng volleyball sa pool, umahon si Kim ng makaramdam sya ng lamig at umupo sa bench. Nilapitan sya agad ni Joshua na nakikipaglaro naman ng volleyball sa mga lalaki.

"Ok kalang ba?" Hinawakan ni Joshua yung noo nya kung bumalik na naman ba ang lagnat nito.

"Ok lang ako nilamig lang ak-- *achooo!*." Bahing nya habang tinatanggal nya yung kamay ni Josh sa noo nya.

"Bless you." Nagtawanan sila at kinuha agad ni Joshua yung towel nya at nilagay nya sa likod ni Kim.

"Halika na banlaw na tayo." Inakbayan nya si Kim habang balot na balot si Kim ng tuwalya ni Josh. Pagkatapos nila magbanlaw bumalik sila sa bus at nagshare ng earphones habang nagpapatugtog ng magsalita si Josh.

"Um..Kim?" Tiningnan sya agad nito.

"Yep?"

"Nung araw na pinuntahan ka ni Keith sa classroom tapos yung...nagyakapan kayo...ano ibig sabihin nun?"

"Right, hindi ko pa pala nakwento sayo. Ganito yun nung una nagsosorry sya kasi nga nakita natin syang may kalandiang babae, pangalawa tinanong nya kung wala na ba da--"

"Lokong yun humihingi pa ata ng second chance. Ano namang sinagot mo?"

"Patapusin mo muna ako magkwento, atat much? O sige ikaw na magtapos." Nagpout si Joshua na sya namang namiss ni Kim na gawin ni Josh.

"Sabi ko tapos na kami okay? Wala na dahil..." Hindi matuloy tuloy ni Kim yung sasabihin nya at namula sya bigla.

"Dahil?"

"Kase ano e.. uhh"

"Pabitin ka magkwento alam m--"

"Ikaw na kase gusto ko! Ok? Gusto na kita nung mga araw palang na ikaw pumalit sakanya. Nandyan ka palagi nung mga panahong nagsesenti ako tapos babatukan mo ko pag umiiyak na naman ako. May 'something' na ko sayo nun."

"Tapos?"

"Anong tapos?! Wala ka man lang bang sasabihin? Nagtatapat na ko dito oh! Tapos nung araw din na yun si Heather ang tinanong mo na makatabi dito sa bus imbes na ako! Ikaw na nga lang inaantay ko nun na tanungin ako na makatabi dito sa bus tapos sya pa tinanong mo. Ang unfair unfair m---"

"Engot. Si Heather lumapit sakin kung pwedeng ako ang makatabi nya, hindi ako ang nagtanong ok? Tsaka nasa upuan lang ako nun at sya yung lumapit sakin diba? Di mo naisip yun?" Napakagat labi si Kim dahil hindi nya narealize yun.

"Oo nga nu." Nagtalukbong ng kumot si Kim dahil sa hiya pero hinawakan ni Joshua yung kamay nya.

"Dito ka humarap gusto ko nakikita ko mukha mo. Para kang mumu dyan lagi kang nakatalukbong." Nakinig ulit sila ng music ng magopen ng facebook si Kim habang nakasandal kay Josh. Pagbukas na pagbukas palang nya, bumulaga sakanya yung picture nila ni Josh na mahimbing na natutulog.

"Ano yan?" Tinago agad ni Kim yung phone nya.

"Ha? Nako wala no. Anong oras na?" Sinamaan sya ng tingin ni Josh.

"Wala nga! Ano na naman yang kilay mo?" Nagrolled eyes si Josh at nakinig nalang ulit sa headset at pumikit. Tatalikod narin sana si Kim ng akbayan sya ni Josh at niyakap sya ng dalawang kamay nito.

"Nilalamig ako dyan kalang." Nakaramdam ng init ng mukha si Kim.

"Ma-may jacket ako sa bag, gusto mo hiramin?" Naramdaman pa nyang humihigpit lalo yung yakap ni Josh sakanya.

"Ayoko." Hindi nalang umimik si Kim ng maramdaman nyang nakatulog na si Josh. Medyo naaawkward sya kasi yakap yakap parin sya nito kaya sinusubukan nyang tanggalin ng..

"Teddy bear kita ngayon at inaantok ako. Wag kang magulo."

"Tingnan mo to gising naman pala. Masyado tayong sweet eh, akbay nalang ok?" Tinanggal nya yung isang kamay ni Josh at nakaakbay yung isang kamay nito sakanya.

"Sige na matulog kana hindi na talaga ako gagalaw. Sweetdreams." Sabi ni Kim ng maramdaman nyang hinalikan sya ni Josh sa ulo saka to tuluyang natulog. Pinatong nalang din ni Kim ang ulo nya sa balikat ni Josh at natulog narin.

Maggagabi na ng makumpleto ang laman ng bus at umandar pabalik na ng school. Nakita ng mga classmates nila kung gaano kasweet matulog ang dalawa pero tulog na sila at wala na silang pake sa iisipin ng mga classmates nila.

--

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon