Gotta Have Her (14)

1.1K 37 2
                                    


11pm ng makarating sila sa school bumaba na lahat ng estudyante sa bus pati narin sila Josh at Kim.

"Hatid na kita." Insist ni Josh.

"Gabi na masyado wag na sasakay nalang ako." Pumara si Josh ng tricycle at sumakay si Kim sa loob. Magwawave na sana si Kim kay Josh ng pumasok din ito ng tricycle.

"3398 Block 5 po manong." At pinaandar ni Manong yung tricycle.

"Anong ginagawa mo?"

"Sabi ko ihahatid kita, hindi ako humihingi ng permiso mo para payagan ako."

Tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay nila Kim at bumaba sila, si Josh na nagbayad kay Manong at magpasalamat ito.

"So, goodnight?" Ngiting sabi ni Kim.

"Goodnight." Ngumiti din si Josh at tumalikod na. Sumimangot si Kim ng makita nyang naglalakad palayo sakanya si Josh.

"Yun na yun?" Tumigil sa paglalakad si Josh at humarap kay Kim.

"Bakit?"

"Wala man lang goodbye ki-- Wala sige goodnight ingat ka." Papasok na sya ng gate ng hawakan ni Joshua kamay nya at inikot sya para mahalikan sya nito habang hawak hawak sya bewang. This time tumugon na si Kim at bumibilis ang halik nila sa isa't isa ng bumitaw si Josh sakanya.

"Ba-bakit? May problema ba?" Tanong ni Kim.

"Hindi wa-wala naman uhh.. Sige na pumasok kana." Kamot ulo pa si Josh.

"Ang labo mo alam mo yun? Goodnight!" Pumasok si Kim at umakyat sakanila.

Tumalon talon si Josh at shinake ang buong katawan para mawala ang init na naramdaman nya.

"Whoo! Josh buti napigilan mo sarili mo." Sabi ni Josh sa sarili at nakangiting umalis kina Kim.

---

Comment and tell me what you think :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon