Gotta Have Her (18)

1.2K 37 3
                                    


Date at the Zoo.

Pagdaan nila Kim at Josh sa entrance, may ahas na naka-spiral yung buong katawan. Sabi nung handler, natutulog daw so pwedeng hawakan kasi hindi naman daw mangangagat. Sinamantala yun ni Kimberly at hinawak hawakan pa nya to. Samantalang si Joshua ni hindi makalapit kahit dun sa handler.

"Pa-picture kami! Please." Kinuha ni Joshua yung phone nya at napuno ng kung ano anong pose ni Kimberly, kasama yung kung ano anong hayop yung gallery nya.

Nakasaksi din sila kung pano kainin ng buo nung sawa yung buhay na manok sa cage nya. Salamin kasi yung cage kaya kitang kita nila Kim yung buong pangyayari. Si Joshua kahit hindi magsalita, halatang awang awa sya dun sa manok. Para kasi syang nabroken at nagmukmok sya sa bench. Kung hindi pa sya binilihan ng Ice Cream ni Kim malamang magaaya na syang umuwi.

"Ubusin mo na yan, tapos puntahan natin yung Lion's den." Sabi ni Kim sakanya habang dinidila dilaan nya yung ice cream. Para syang bata, may ice cream pa nga sa pisngi nya kaya kumuha ng tissue si Kim at pinunasan yun.

"Stay still." Nakatitig lang sya kay Kim.

"Ok na mommy?"

"Opo baby." At tinapon nya yung tissue ng bigla syang tawagin ni Josh.

"KIMBERTOT!"

"Ba--" Paglingon ni Kim dinikitan nya ito ng ice cream sa pisngi.

"Josh!"

"Hahaha, wait tanggalin ko." Inabot ni Kim yung tissue sakanya pero imbis na kunin nya yun, lumapit sya at hinalikan nya yung ice cream sa pisngi ni Kim.

"Yan wala na. Wait, may laway." Sabay punas nya ng tissue sa pisngi nito. Nagtawanan silang dalawa at ginulo ni Kim buhok nya.

"Tara na nga sa Lion's den." Tumayo si kim at nauna syang maglakad, humabol si Josh at hinawakan nya yung kamay nito. Palaging hawak ni Josh kamay nya kaya nasanay nalang sya.

Nung makarating sila sa Lion's den, may baby cub na hawak yung handler. Tumakbo agad silang dalawa papunta dun at pinagaagawan nila yung baby cub.

"Papicture po kami please." Kinuha nung handler yung phone ni Josh at pinicturan silang dalawa ni Kim habang hawak nila yung baby cub. Para silang happy family tapos yung baby cub ang baby nila.

"Patingin ng pictures!" Tiningnan ni Kim yung mga pictures nila sa gallery at napansin nyang karamihan puro sya lang nandun.

"Ba't puro ako lang? Dapat meron ka din!" Nilabas nya yung phone nya at vinivideohan nya si Josh.

"Isa, patayin mo yan." Habang naglalakad sya nangunguna si Kim at vinivideohan sya.

"Kim! Para kang ewan dyan."

"Say hi Joshie!"

"Joshie? Sounds gay!" Sinamaan sya ng tingin ni Kim at nagHi sya sa camera na parang bading.

"Hahaha! Maskuladong Bading."

"Sige pinagtitripan mo na ko ah, pag ikaw pinagtripan ko." Tinago agad ni Kim yung phone nya at lumapit kay Josh.

"Tara na maggagabi na, matatraffic tayo paguwi."

Palabas na sila ng hawakan ulit ni Joshua kamay nya.

"Mawawala kaba pag hindi ka humawak sakin?"

"Hindi naman sarili ko iniintindi ko kaya kita hinahawakan. Hinahawakan kita para di ka mahawakan ng iba." Napatingin sya kay Joshua.

"Wag mo kong titigan natutunaw ako." Natawa sya at nagpara sila ng taxi ng makalabas sila ng Zoo.

Hawak parin ni Joshua kamay nya nung makasakay sila. Nakaramdam ng antok si Kim habang nakatingin sa labas ng taxi.

"Dito ka." Pinapatabi sya ni Josh sa loob ng varsity jacket nya at inakbayan sya.

"Matulog kana, gigisingin nalang kita pag nasa inyo na tayo." Nginitian sya ni Kim at hinalikan namn sya ni Josh sa noo.

Parang sila, pero hindi sila. Pero para talagang sila, pero hindi pa talaga sila. We all know that kind of feeling.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon