Gotta Have Her (22)

1K 29 1
                                    


"Ayoko nyan."

"Cute naman to eh, pag sinuot mo to mukha kanang bunny! Haha!" Nasa baclaran sila Kim at Josh para mamili ng costume para sa gaganaping Costume party ng school. Si Joshua ang pumipili ng isusuot ni Kim at si Kimberly naman pumipili ng isusuot ni Joshua.

"Sino bang favorite character mo? Si Spiderman ba, si Thor, si Ironman o si--"

"Shrek." Natawa si Kim sa sinabi ni Josh dahil sa dami ng gugustuhing character nito si Shrek pa.

"Gusto mong maging si Shrek sa costume party?!"

"Bakit hindi? Kaya nga hinahanapan kita ng costume ni Fiona e." Sabi ni Joshua habang naghahalungkat ng pwedeng maging costume ni Kim.

"Hala ayoko maging si Fiona! Magsspongebob nalang ako."

"Hindi pwede lalaki si spongebob."

"So? Edi magiging babaeng spongebob ako." Hinarap ni Joshua si Kim at may nakita na syang costume as Fiona.

"Eto na! at nakita ko narin costume ni Shrek." Nakangising sabi ni Joshua habang nakataas kilay ni Kim.

"Please, ngayon kalang naman magiging si Fiona. Dahil sabi nga ni Shrek, you're my princess." Nagpout si Kim at hindi nya napigilang hindi ngumiti sa sinabi ni Joshua.

"Amina isusukat ko na." Kinuha ni Kim yung costume at nagsukat narin si Joshua.

Paglabas nila sa kanya kanyang fitting room nagtawanan sila dahil ang tataba nila pareho.

"I look fat!" Sigaw ni Kim.

"Hahaha don't worry maganda kapa rin kahit anong ipasuot sayo." Natouch naman si Kim kaya lumapit sila sa isa't isa para magkiss pero hirap na hirap sila magdikit yung mga labi nila dahil ang lalaki ng tyan nila ng dahil sa costume.

4inch..

3inch..

2inch..

1inch..

ng biglang may dumating na saleslady.

"Ahem." Agad na pumasok sa magkabilang fitting room sila Kim at Josh habang nagtatawanan.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon