Gotta Have Her (23)

1K 32 1
                                    


Costume party.

Napapaligiran ng iba't ibang ilaw ang school ground at malaking disco ball pati mga estudyanteng nakasuot ng kung ano anong costume. Dumating sila Josh at Kim na nakacostume as Shrek at Fiona at magkahawak kamay. Pinagtitinginan sila ng lahat dahil bukod sa ipinaligo nila yung kulay green na pintura, ay ang lalaki nila kesa sa mga ibang estudyante.

Nakita nila si Heather na nakasuot ng parang malanding rabbit dahil parang nakapanty lang ito at revealing na blouse at malaking bunny ears. Si Keith naman nag-ala Tarzan kaya nakabahag lang ito. May kalakihan ang katawan ni Keith dahil nagggym ito. Nagsasayawan ang mga estudyante sa gitna kaya nakisayaw narin sila Josh at Kim. Kumekendeng kendeng si Josh at sinasayawan si Kim. Tawa naman ng tawa si Kim dahil sa laki ng costume nila ay nakakakendeng pa ng ganun si Joshua.

"Come on Fiona! Dance with your hubby!" Hinamon ni Josh si Kim at nagsshowdown na silang dalawa habang sumasayaw ng kanya kanyang dance move. Just imagine Shrek and Fiona dancing in the middle of the dancefloor haha.

"Really? Shrek and Fiona?" Napatigil sila sa kakasayaw ng makita nila si Paoline na nakaSpongebob na costume at may hawak pang pekeng snail as gary.

"Hahaha ang cute mo Pao!" Nilapitan nila Josh at Kim si Pao at pinisil nila ang magkabilang pisngi nito.

"Ahhh! Kayong magjowa kayo masakit!" At tumakbo si Pao sakanila.

"See told you, cute ang costume na spongebob." Sabi ni Kim habang hinihipan ang bangs nito na nasa mukha na nya.

"Pero mas maganda parin ang prinsesa ko." At hinawi ni Josh ang bangs ni Kim.

Mayamaya naging sweet yung tugtog at kanya kanya ng partner ang sumasayaw ng slow dance sa gitna.

Lumuhod si Josh sa isang tuhod nya kahit hirap ng hirap at hinihingi nya ang kamay ni Kim para sumayaw din sila. Ngumiti si Kim at inabot ang kamay nya kay Josh. Hawak hawak ni Josh ang bewang ni Kim at nasa dibdib nya nakapatong ang ulo ni Kim.

"Wag kang mawawala ha?" Sambit ni Kim.

"Ba't naman ako mawawala?"

"Malay mo makakita kanang mas maganda sakin, tapos mas sexy tapos mas matangos ilong at mas maputi sakin, aayawan mo ko nun at mawawalan kanang gana sakin."

"Aysus, ang Fiona ko talaga. Kahit kailan hindi mangyayari yun, inantay kita buong buhay ko tapos ngayong nasa akin kana sasayangim ko pa ba? Syempre hindi na. Tsaka wala ng mas gaganda at mas sesexy sa wifey ko. Tingnan mo naman nakacostume na lahat lahat ng Fiona, ang ganda parin." Napangiti si Kim at tumingin kay Joshua.

"Iloveyou Josh. Same tayo ng papasukan sa college ha?" Napatigil si Josh saglit sa sinabi ni Kim at nginitian nalang nya ito.

"I love you too. I'll do whatever it takes para same tayo ng school." At hinalikan nito ang ulo ni Kim.

"Susubukan kong mapilit sila Mama at Papa na hindi ako pagaralin sa states. Promise, my princess." Nasa isip isip ni Josh at niyakap nya si Kim.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon